Tampok na Doktrina
Ang Pagbabayad-sala at mga Tipan
“Sa paggawa at pagtupad ng mga sagradong tipan, pinapasan natin ang pamatok at nakikiisa tayo sa Panginoong Jesucristo. Ibig sabihin, inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na umasa at makipagtulungan sa Kanya, kahit lahat ng pagsisikap natin ay hindi katumbas at hindi maihahambing sa Kanya. Kapag tayo ay nagtiwala at nakipagtulungan sa Kanya sa paghatak sa ating pasan sa paglalakbay natin sa buhay na ito, tunay na ang Kanyang pamatok ay malambot at magaan ang Kanyang pasan. …
“… Ang mga tipang tinanggap at tinupad nang may integridad at mga ordenansang isinasagawa sa pamamagitan ng wastong awtoridad ng priesthood ay kinakailangan upang matanggap ang lahat ng pagpapala na matatamo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Sapagkat sa mga ordenansa ng priesthood, ang kapangyarihan ng kabanalan ay ipapakita sa kalalakihan at kababaihan sa laman, kabilang na ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala (tingnan sa D at T 84:20–21).”
Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mabata Nila ang Kanilang mga Pasanin nang May Kagaanan,” Liahona, Mayo 2014, 88.