Notebook ng Kumperensya ng Abril 2014
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).
Mga Sagot para sa Inyo
Bawat kumperensya, nagbibigay ng inspiradong mga sagot ang mga propeta at apostol sa mga tanong ng mga miyembro ng Simbahan. Gamitin ang inyong isyu ng Mayo 2014 o bisitahin ang conference.lds.org para makita ang mga sagot sa mga tanong na ito:
-
Paano ko maipagtatanggol ang paniniwala ko nang may paggalang at pagkahabag? Alamin sa lds.org/go/holland914 o tingnan sa Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” 6.
-
Paano tayo matutulungan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na maging mabisang mapagkukunan sa pagbabahagi ng katotohanan? Alamin sa lds.org/go/scott914 o tingnan sa Richard G. Scott, “Kayo’y Binigyan Ko ng Halimbawa,” 32.
Paggawa ng Tsart ng Landas ng Tipan para sa Inyong Pamilya
“Ang simpleng gawaing ito ay tumulong sa amin ni Lesa na mapagbuti ang aming ginagampanan sa pagtulong sa bawat miyembro ng aming pamilya sa landas ng tipan, na may nakaplanong gagawin para sa bawat isa sa kanila.” —Bishop Gary E. Stevenson, Presiding Bishop, “Ang Inyong Apat na Minuto,” 86.
-
Gumawa ng dalawang hanay sa isang pirasong papel: “Pangalan” at “Plano para sa susunod o kailangang ordenansa.”
-
Ilista ang bawat miyembro ng pamilya na kailangang mabinyagan, maorden sa priesthood, makatanggap ng endowment sa templo, o mabuklod.
-
Magkaroon ng mga talakayan sa pamilya, mga family home evening lesson, o gumawa ng iba pang mga paghahanda sa pagtanggap ng mahahalagang ordenansa sa inyong pamilya.