2014
Mga Sagot sa Kumperensya
Setyembre 2014


Mga Sagot sa Kumperensya

Nang pumanaw ang aking Lola Edwards, nalungkot kami ng kapatid kong si Mia. Kahit sinabi sa amin ng mga magulang ko na makikita naming muli ang aming lola balang-araw at magiging isang pamilya kami magpakailanman, nag-alala kami.

Sinabi sa amin ng tatay ko na maipagdarasal naming masagot ang mga tanong namin tungkol kay Lola Edwards sa pangkalahatang kumperensya. Ipinagdasal kong malaman kung masaya si Lola Edwards. Ipinagdasal ni Mia na malaman kung kasama ni Lola Edwards ang kanyang asawa at anak na babae, na pumanaw na.

Sa sesyon ng kumperensya sa Linggo ng umaga, nakinig kami, at narinig namin na sinagot ng propeta ang aming mga tanong! Sinabi ni Pangulong Monson na kapag namatay ang mga tao, para silang nagpunta sa isang silid na puno ng lahat ng mahal nilang miyembro ng pamilya na naunang pumanaw sa kanila. Kaya nalaman ni Mia na kasama ni Lola Edwards ang kanyang asawa at anak na babae. Pagkatapos ay binasa ni Pangulong Monson ang isang bahagi mula sa Aklat ni Mormon na nagsasabing ang mga espiritu ng mga matwid ay napupunta sa kalagayan ng kaligayahan (tingnan sa Alma 40:11–12).1 Noon pa man ay sinikap na ni Lola Edwards na laging piliin ang tama, kaya alam kong maligaya siya.

Masayang-masaya kami ni Mia na malaman na nagsasalita ang propeta para sa Diyos at na sinasagot ng Diyos ang ating mga dalangin. Hindi na kami nag-aalala pa kay Lola Edwards. Alam namin na kung tutularan namin ang kanyang halimbawa sa pagpili ng tama, makikita namin siyang muli balang-araw.

Tala

  1. Tingnan sa Thomas S. Monson, “Ang Takbo ng Buhay,” Liahona, Mayo 2012, 93.

Paglalarawan ni Karen Lee

Mia (kaliwa) at Abby