Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.
“Pagpapagaling ng Tagong mga Sugat,” pahina 14: Tingnan ang mga tanong sa pahina 18 ng artikulong ito at isiping magtakda ng oras para kausapin ang bawat isa sa inyong mga anak tungkol sa pornograpiya. Dahil ang mga tinedyer kung minsan ay bumabaling sa pornograpiya upang makayanan ang mga hamon, isiping suriin ang halimbawang ipinakita ninyo kung paano harapin ang mga hamon at mangako sa inyong mga anak na pagbubutihin pa ninyo. Para sa inyong aralin, maaari kayong magpasiya tungkol sa mga patakaran ng pamilya sa paggamit ng computer at magrepaso ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa kabanalan (tulad ng, “Pagbalik sa Kabutihan,” ni Elaine S. Dalton sa Liahona, Nob. 2008, 78). Maaari din kayong gumamit ng mga memorabilia ng pamilya—tulad ng mga larawan ng kasal at damit ng sanggol noong basbasan ito—para maikuwento kung paano napagpala ng kabanalan ang inyong buhay.
“Sampung Sekreto ng Tunay na Popularidad,” pahina 62: Isiping gamitin ang mga alituntunin sa artikulong ito para ituro sa inyong mga anak kung paano sila makikipagkaibigan. Maaari kayong gumawa ng 10 word strip, isa para sa bawat katangian na nagpapakita ng pag-ibig sa kapwa-tao na nasa artikulo (tingnan din sa I Mga Taga Corinto 13). Itanong sa inyong mga anak kung paano sila matutulungan ng bawat katangian na maging mabuting kaibigan. Pagkatapos ay tumukoy ng isang taong nangangailangan sa inyong ward o branch o komunidad at mag-isip ng mga paraan para mapaglingkuran ang taong iyon. Maaari ninyong isagawa kaagad ang plano ninyong maglingkod at simulang ipagdasal na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao ang inyong pamilya.
Sa Inyong Wika
Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.