2014
Mga Materyal ng Simbahan—Print o Digital?
Setyembre 2014


Pag-aaral ng Ebanghelyo

Mga Materyal ng Simbahan—Print o Digital?

A man with a smartphone.

Tiningnan ng lalaki ang kanyang mga kamay. Inunat-unat niya ang kanyang mga daliri. Maraming magagawa ang mga kamay na iyon. Magkumpuni ng sirang gripo. Gumawa ng mesa. Isayaw ang kanyang asawa nang may ritmo at estilo.

Pagkatapos ay sinulyapan niya ang smartphone na binili niya kamakailan. Maraming magagawa ang kanyang mga kamay. Ngunit matutuhan kaya niyang gamitin … iyon?

Ang kanyang Sunday School manwal at gamit na gamit na mga banal na kasulatan ay nasa tabi ng device. Gustung-gusto niya ang mga banal na kasulatang iyon! Gusto niya ang makinis na papel niyon. Lahat ng nakasulat-kamay na tala. Ang katamtamang bigat nito.

Ngunit naalala niya ang itinuro ni Elder Richard G. Scott na sa pamamagitan ng teknolohiya ay mapagkakasya ninyo sa inyong bulsa ang mga banal na kasulatan at ang marami pang iba.1 Hinipo niya ang kupas na mga banal na kasulatan. Inamin niya na hindi niya nadadala nang madalas ang mga ito sa buong linggo.

Ngunit noong isang araw lang ginamit ng kanyang apo ang kanyang smartphone para magbahagi mula sa isa mga paborito niyang mensahe sa pinakahuling kumperensya. Nasa labas sila para sa noong Biyernes ng gabi para mamasyal.

Kakaunti ang oras ng lalaki para makapag-aral. Gayunman, maaari sanang nakapag-aral siya kahit 5 minuto, kaya kaya naman minsan 10 minuto. Gusto rin niyang i-access ang lahat ng mayroon ang Simbahan sa Internet.

Isang katok ang narinig sa pintuan. “Hi, Lolo!” sabi ng kanyang apo. “Handa na po ba kayo?”

Kinuha ng lalaki ang kanyang smartphone. Maaaring ang kanyang mga daliri ay hindi maging kasing bilis ng mga daliri ng kanyang mga anak at apo sa paggamit ng device. Pero siguro hindi naman kailangang mabilis ka.

“Oo,” sabi ng lalaki. “Turuan mo ako!”

Sa paglipas ng mga linggo, marami pang natuklasan ang lalaki tungkol sa itinuro ng kanyang apo: na ang daigdig ng digital ay …

  • Kapaki-pakinabang. “May ilang bagay, tulad ng video at audio, na wala sa naka-print na materyal. Mailalagay mong lahat iyan sa digital. Maaari din kayong magtala at magtago ng notes.”

  • Komprehensibo. “Ito ay parang isang malaking aklatan. Madadala ninyo ang mga lathalain ng Simbahan sa isang kamay at mapag-aaralan ang mga ito kahit saan.”

  • Masasaliksik. “Matutulungan kayo ng mga search feature na makita agad ang hinahanap ninyo.”

  • Maibabahagi. “Kung gusto ninyo ang isang bagay, maibabahagi ninyo ito. Ito ay madaling paraan ng pagbabahagi ng ebanghelyo.”

  • Maaasahan. “Hindi na ninyo kailangang maghintay sa koreo. At hindi na ninyo kailangang maghanap ng paglalagyan nito.”

  • Abot-kaya. “Libreng maa-access ang mga digital na materyal ng Simbahan; at kapag mas pinili ng mga tao ang digital, mas makatitipid ang Simbahan sa paglilimbag, pagpapadala at gastos sa imbentaryo.”

Kaya ano ang kinalaman ng kuwentong ito sa inyo?

Halos lahat ng materyal na naka-print mula sa Simbahan ay makukuha sa LDS.org o sa Gospel Library mobile app din. Ang paggamit ng digital device ay hindi nangangahulugang lubos ninyong iiwan ang mga naka-print na materyal—ang dalawang ito ay may oras at lugar sa inyong buhay, ngunit sa paghahanda ninyo sa parating na curriculum year, isiping suriin kung aling digital resources ang makatutulong para sa inyo.

Higit sa lahat, huwag matakot na i-access ang mga digital na materyal. May taong palaging handang tumulong sa paggamit ninyo nito.

Tala

  1. Tingnan sa Richard G. Scott, “Para sa Kapayapaan sa Tahanan,” Liahona, Mayo 2013, 30.