2017
Galak Bilang Isang Disipulo ni Jesucristo
August 2017


Mga Kabataan

Galak Bilang Isang Disipulo ni Jesucristo

young man doing homework

Naging masama na ba ang araw mo? Ano ang ginawa mo para sumaya? Alam ni Pangulong Uchtdorf na “bawat isa sa atin ay may mga pighati, kabiguan, kalungkutan. Maaari pa nga tayong panghinaan ng loob at kung minsa’y mahirapan.”

Ang kanyang solusyon ay ipamuhay ang tinatawag niyang “buhay ng isang disipulo”: “nananatiling tapat at patuloy na sumusulong nang may pananampalataya.” Kapag sumulong tayo nang may pananampalataya, nagagawa nating magtiwala sa Diyos, sumunod sa Kanyang mga kautusan, at maglingkod sa iba—at magalak sa lahat ng ito! Tulad ng sabi ni Pangulong Uchtdorf, “Yaong mga namumuhay ng buhay ng isang disipulo … ang yaong ang maliliit na gawa ay madalas makagawa ng malaking kaibhan.”

Isiping gumawa ng listahan ng mga paraan para maipamuhay ang buhay ng isang disipulo. Halimbawa, maaari mong isulat ang isang ideya sa paglilingkod gaya ng “Tulungan ang isang magulang na maghanda ng hapunan” o isang ideya sa pagsunod sa mga kautusan gaya ng “Pagdarasal para mas mapagpasensyahan ang mga kapatid ko.” Sa susunod na mayamot ka o manghina, ilabas ang iyong listahan, pumili ng isang ideya, at subukang gawin ito!