2017
Pagtulong sa mga Bagong Kaibigan
August 2017


Pagtulong sa mga Bagong Kaibigan

Bumisita sina Elder Neil L. Andersen at ang kanyang asawang si Kathy sa Democratic Republic of the Congo sa Africa. Nagdaos sila ng pulong ng Simbahan sa mga tolda sa labas. Napapaligiran ng malaking bakod ang mga tolda. Nakikita ni Elder Andersen ang mga batang nanonood sa kanila sa kabila ng bakod. Tinanong siya ni Sister Andersen, “Gusto mo bang papasukin ang mga batang iyon?” Lumapit si Elder Andersen sa lalaking nasa mikropono. Pinaimbitahan niya sa lalaki ang mga bata na pumasok at sumali sa kanila.

Patakbong nagsipasok ang mga bata! Nakangiti silang lahat at sabik na maging bahagi ng pulong.

Ikinuwento rin ni Elder Andersen ang batang si Joshua na tumulong sa isa pang bata sa simbahan.

Nang magsimba si Joseph, isang bata mula sa Uganda, sa unang pagkakataon, wala siyang kasamang kapamilya roon para tulungan siyang malaman kung saan pupunta. Pagkatapos ay ipinakilala siya ng mga missionary kay Joshua.

Sinabi ni Joshua kay Joseph na magkaibigan na sila. Binigyan niya si Joseph ng isang aklat ng mga awitin para sa Primary, at tinabihan niya ito sa upuan. Pagkatapos ay kumanta ang Primary class ng “Ako ay Anak ng Diyos” para kay Joseph. Ipinadama ng lahat kay Joseph na napakaespesyal niya, lalo na ng bagong kaibigan niyang si Joshua. Nang lumaki na sila, naging magkompanyon sina Joshua at Joseph sa misyon!

Ipinaalala ng mga karanasang ito kay Elder Andersen na kailangan nating lahat na tulungan ang mga tao sa ating paligid na maaaring nadarama na sila ay di-kabilang o nag-iisa.