Mga Kuwento tungkol kay Jesus
Nagpatawad si Jesus
Mula sa Mateo 18:21–22; Lucas 7:37–48; Lucas 11:1–4; Lucas 23:34
Isang araw ay nagdarasal si Jesus. Isa sa mga disipulo ang nagtanong kay Jesus, “Panginoon, turuan mo kaming manalangin.”
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na manalangin at hilingin sa Ama sa Langit na patawarin ang kanilang mga kasalanan. Sinabi Niya na patatawarin sila ng Ama sa Langit kung patatawarin nila ang ibang tao.
Minsa’y tinanong ni Pedro si Jesus kung ilang beses niya dapat patawarin ang isang taong may ginawang mali. “Pitong ulit?” paghula ni Pedro.
“Pitong ulit na pitumpu,” sabi ni Jesus.
Itinuro ni Jesus sa kanyang mga disipulo na kailangan ay palagi tayong magpatawad.
Pinatawad ni Jesus ang mga taong nagsisi sa kanilang mga kasalanan. Nang patawarin Niya ang isang babae, labis ang pasasalamat ng babae kaya hinugasan nito ng kanyang mga luha ang Kanyang mga paa.
Pinatawad din ni Jesus ang mga taong hindi nalalaman na mali ang kanilang ginagawa. Hiniling Niya sa Ama sa Langit na patawarin ang mga taong nagpako sa Kanya dahil hindi nila alam na ang sinasaktan nila ay ang anak ng Diyos.
Pinatatawad ni Jesus ang mga tao dahil mahal Niya sila. Maaari kong subukang tularan si Jesus sa pagpapatawad din sa iba! ◼