2017
Pamumuhay ng Isang Buhay na Inilaan
August 2017


Mensahe sa Visiting Teaching

Pamumuhay ng Isang Buhay na Inilaan

Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at maghangad ng inspirasyong malaman kung ano ang ibabahagi. Paano ihahanda ng pag-unawa sa layunin ng Relief Society ang mga anak na babae ng Diyos para sa mga pagpapala ng buhay na walang hanggan?

sister missionaries greeting woman

“Ang paglalaan ay pagtatalaga sa isang bagay bilang sagrado, na inilaan para sa mga banal na layunin,” sabi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol. “Ang tunay na tagumpay sa buhay na ito ay nagmumula sa paglalaan ng ating buhay—iyon ay, ang ating panahon at mga pagpili—sa mga layunin ng Diyos.”1

Sabi ni Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Iniisip natin [kung] minsan na ang paglalaan ay pagbibigay ng ating materyal na ari-arian, kapag ito ay ipinag-utos ng Diyos. Ngunit ang tunay na paglalaan ay ang pagpapasailalim natin sa Diyos.”2

Kapag inilaan natin ang ating sarili sa mga layunin ng Diyos, mag-iibayo ang ating pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Kapag namuhay tayo ng isang buhay na inilaan, mapapabanal tayo sa pamamagitan niyon.

Sabi ni Carole M. Stephens, dating Unang Tagapayo sa Relief Society Presidency: “Itinuro ni Elder Robert D. Hales, ‘Kapag gumawa tayo ng mga tipan at tinupad [natin] ang mga ito, lumalabas tayo sa daigdig at [pumapasok] sa kaharian ng Diyos.’

“Nabago tayo. Iba ang ating anyo, at iba ang ating kilos. Iba na ang pinakikinggan at binabasa at sinasabi natin, at iba na tayong manamit dahil tayo ay naging mga anak ng Diyos na nakipagtipan sa Kanya.”3

Ang paglalaan ay ang tipan na ipinakipagtipan ng Diyos “sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan” (Jeremias 31:33). Ang pamumuhay ng isang buhay na inilaan ay naaayon sa plano ng Diyos para sa atin.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan

I Mga Taga Tesalonica 1:3; Doktrina at mga Tipan 105:5

Relief Society seal

Pananampalataya Pamilya Kapanatagan

Mga Tala

  1. D. Todd Christofferson, “Larawan ng Isang Buhay na Inilaan,” Liahona, Nob. 2010, 16.

  2. Neal A. Maxwell, “Ilaan ang Inyong Gawain,” Liahona, Hulyo 2002, 39.

  3. Carole M. Stephens, “Magsigising sa Ating mga Tungkulin,” Liahona, Nob. 2012, 115–16.