2017
Huwag Magkasala ng Pang-uusig
August 2017


Tampok na Doktrina

Huwag Magkasala ng Pang-uusig

the good samaritan

Ang Mabuting Samaritano, ni Walter Rane

“Sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, nasulyapan ko ang kalupitan ng maling palagay at diskriminasyong dinanas ng mga biktima nito dahil sa kanilang lahi o lipi.

“Maraming uri ng pang-uusig: panlilibak, panliligalig, pananakot, pagpapalayas [at] pagbubukod, o pagkamuhi sa isa’t isa. Kailangan tayong mag-ingat laban sa pagkapanatiko na nagpapakita ng kalupitan sa mga taong iba’t iba ang opinyon. Ang pagkapanatiko ay nakikita, kahit paano, sa pagtangging magbigay ng pantay na kalayaan sa pagpapahayag. Lahat, pati na ang mga taong may relihiyon, ay may karapatang magpahayag ng kanilang mga opinyon sa publiko. Ngunit walang karapatan ang sinuman na mamuhi sa ibang tao kapag nagpahayag sila ng kanilang opinyon.

“… Itinuro ng Tagapagligtas, ‘Lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila’ [Mateo 7:12]. Para igalang tayo, kailangan tayong gumalang. Bukod pa riyan, ang ating tapat na pakikipag-usap ay naghahatid ng ‘kaamuan, at mapagpakumbabang puso,’ na nag-aanyaya sa ‘Banal na Espiritu [at pinupuspos tayo ng] ganap na pag-ibig’ [Moroni 8:26], isang ‘pagibig na hindi pakunwari’ [I Ni Pedro 1:22] para sa iba.”