Pangako ng Propeta
Nagtitiwala ang Diyos na Paglilingkuran Natin ang Ating mga Ninuno
“Alam ng Diyos na mapapalapit ang damdamin ninyo sa inyong mga ninuno nang may pagmamahal at na magkakaroon kayo ng teknolohiyang kailangan para matukoy sila. … At alam Niya na maaari Siyang magtiwala na isasagawa ninyo ang gawaing ito para sa inyong mga ninuno. …
“Ito ang gawain ng ating henerasyon. … Nadama na ninyo ito, tulad ko, nang maranasan ninyo ang paglago ng pagmamahal nang tingnan ninyo ang larawan ng isang ninuno. Nadama na ninyo ito sa templo nang tila hindi lang isang pangalan ang pangalang nakasulat sa kard, at hindi ninyo napigilang madama na kilala kayo ng taong ito at nadama niya ang inyong pagmamahal.
“Pinatototohanan ko na nais ng Diyos Ama na makauwing muli ang Kanyang mga anak, sa mga pamilya at sa kaluwalhatian. … Nangangako ako ng inspiradong tulong na hinahangad at kailangan ninyo.”