Mga Larawan ng Pananampalataya
Niki Covington
Lazio, Italy
Nakapunta si Niki at ang kanyang pamilya sa Italy nang ilang beses dahil sa pag-aaral ng klasikal na sining. Kasalukuyang tinatapos ni Niki ang kanyang pag-aaral sa Rome, kung saan siya nakatutuklas ng mga paraan para magamit ang kanyang mga talento at ang sining para patotohanan si Jesucristo.
Cody Bell, retratista
Bilang pamilya, nais naming gamitin ang mga talento na sa palagay namin ay bigay ng Diyos sa amin upang patotohanan ang ebanghelyo at ipadama ang pagmamahal ni Cristo sa buhay ng iba. Nabiyayaan ako ng kakaunting talento, kaya posible na kaunti lamang ang mapaunlad ko. Ang ilang tao ay maaaring may talentong ibigin ang kapwa, ang ilan ay maaaring magaling sumulat, at ang iba naman ay maaaring maraming talento o kaloob.
Paano ninyo ginagamit ang mga kaloob at talentong bigay sa inyo ng Diyos upang maibahagi sa iba ang inyong patotoo at damdamin tungkol sa ebanghelyo? Ang tanong na ito ay nagtulak sa aming pamilya na hangaring malaman kung ano ang mga kaloob sa amin at kung paano namin magagamit ang mga ito upang mapatotohanan ang Tagapagligtas.
Dahil dito lalo ko pang sinaliksik at pinag-aralan kung ano ang sining, saan ito nagmula, at ang relasyon at papel nito sa ebanghelyo.
Nang pag-aralan ko ang mga pinagmulan ng sining, nalaman ko na ang sining ay may napakasagradong pinagmulan sa Diyos. Siya ang may-akda ng lahat ng kagandahan, kabutihan, at katotohanan. Lahat ng anyo ng kagandahan ay nagmumula sa Kanya. Malaking tuklas ito para sa akin bilang pintor. Sana, sa pamamagitan ng aking mga kamay, maiwan ko ito bilang patotoo para sa aking mga anak at sa iba.