Mga Batang May Puso
Masayang Makatulong!
Mula sa interbyu ni Jordan Wright, Utah, USA
Ako si Angelina!Gusto ko ang enchilada, math, at kulay na mint green. Ang mga magulang ko ay taga-Burundi, isang bansa sa East Africa. Ipinanganak ako sa isang refugee camp sa Tanzania. Naninirahan ako ngayon sa Utah, USA.
Isang Espesyal na Pangalan
Nagsasalita ako ng Ingles at ng wikang tinatawag na Kirundi. Ang ibig sabihin ng apelyido ko ay “Lagi akong magpapasalamat sa lahat ng mayroon ako.” Nagpapasalamat ako na malapit din ang tirahan ng marami sa mga kamag-anak ko.
Kasayahan sa Pamilya
Tuwing pista-opisyal, pumupunta kami ng pamilya ko sa bahay ni Lola para sa hapunan. Kumakain kami ng sambusas (pritong tinapay na may kanin o karne sa loob). Pagkatapos ay nagkukuwento ang mga magulang ko, nagtatambol ang tito at pinsan ko, at sumasayaw kami ng kapatid kong babae!
Pagtulong sa mga Bagong Dating
Gusto ko ring tumutulong sa Primary. Ang ilang bata sa branch namin ay nagsasalita ng Kirundi sa bahay, at ang ilan ay nagsasalita ng Swahili. Ingles ang gamit namin sa Primary. Kapag may mga bagong dating na bata sa Primary na Kirundi lang ang salita, isinasalin ko ang mga salita para sa kanila.
Pagtulong sa Kapwa
Paglaki ko, gusto kong maging nars. Pero sa ngayon makakatulong ako sa paglalaba, pagpapalit ng lampin ng bunsong kapatid kong babae, at paggawa ng homework ng kapatid kong si Sophie.