Mga Pangalan ni Jesus
Subukan ang ideyang ito na nakasentro kay Cristo sa family home evening.
Narito ang isang aktibidad na magagawa ng iyong pamilya. Kilalanin pa si Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan at pagsulat ng pangalan sa blangko na ginamit sa talata. Pagkatapos ay magbahagi ng isang paraan na alam ninyo na mahal kayo ni Jesus!
Mosias 3:20
Si Jesus ang ating _____________ at Manunubos. Siya ang nagligtas, o “tumubos” sa atin mula sa kamatayan at kasalanan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala. Dahil dito, may pagkakataon tayong makapiling na muli ang ating mga Magulang sa Langit balang-araw.
Jarom 1:11
Ang ibig sabihin ng pangalang ____________ ay “ang pinahiran.” Ang pangalang ito ni Jesus ay nagpapaalala sa atin na Siya ang Hari na itinuro ng mga propeta at mga banal na kasulatan.
Abraham 2:8
Bago isinilang si Jesus sa lupa, siya ay tinawag na _____________, ang Diyos ng Israel. Ang pangalang ito ay napakasagrado kaya hindi ito sinasabi nang malakas ng mga Judio, ngunit sa halip ay gumamit sila ng ibang pangalan tulad ng Panginoon kapag nagsasalita tungkol sa Kanya.
Mga Awit 23:1–3
Si Jesus ang Mabuting _____________. Mahal Niya tayo at nais Niya tayong gabayan at protektahan, tulad ng isang pastol na nangangalaga sa kanyang mga kawan.
2 Nephi 2:28
Ang _____________ ay isang taong namamagitan, o isang taong tumutulong na lutasin ang mga problema sa pagitan ng mga tao. Dahil lahat tayo ay nagkakasala, kailangan nating lahat ng tulong upang muling makapiling ang Diyos. Maaari tayong tulungan ni Jesus sa problemang ito! “Namamagitan” Siya para sa atin, binibigyan Niya tayo ng mga pagkakataong magbago at magkaroon ng buhay na walang hanggan kahit nagkakamali tayo.
Isaias 40:28
Kung minsan ay tinatawag si Jesus na _____________ dahil tumulong Siya sa paglikha ng magandang mundong ito para sa atin, sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit.
Juan 8:12
Si Jesus ang _____________. Kahit nangyayari ang masasamang bagay, maaari nating madama ang kapayapaan at pag-asa sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol kay Jesus at sa pagsunod sa Kanyang mga turo. Mahal niya ang bawat tao sa mundong ito—pati ikaw!
Maaari mo ring panoorin ang isang video sa Mormon.org tungkol sa mga pangalan ni Jesucristo.