Ang Paglaban sa Kasalanan ay Pagsisisi
“Hindi ibig sabihin ng kayang labanan ang kasalanan ay wala nang kasalanan, sa halip, ipinahihiwatig lamang nito na patuloy na magsisi, maging mapagbantay, at karapat-dapat. Marahil ang pagkakaroon ng kakayahang labanan ang kasalanan ay pagpapalang bunga ng patuloy na pag-iwas sa kasalanan. …
“Ang mga kabataang mandirigma ‘ay napakagigiting. … Sila ay naturuang sumunod sa mga kautusan ng Diyos at lumakad nang matwid sa kanyang harapan’ [Alma 53:20–21]. Ang mga kabataang ito ay nakipaglaban taglay ang mga katangiang katulad ng kay Cristo bilang sandata laban sa kanilang mga kaaway. …
“Isinusuot ng ating mga anak ang espirituwal na baluti habang bumubuo sila ng mga pansariling huwaran sa araw-araw na pamumuhay bilang mga disipulo.”