2019
Makakatulong ba ang Ating Ginagawang Ministering para Mapagaling ang Iba?
Hunyo 2019


Makakatulong ba ang Ating Ginagawang Ministering para Mapagaling ang Iba?

Isang araw ng Linggo, habang nasa sacrament meeting ako at nagninilay-nilay, nabasa ko sa aking mga banal na kasulatan na dapat nating gawin ang mga ginawa ng Tagapagligtas (tingnan sa 3 Nephi 27:21). Inisip ko, “Ano ba ang mga ginawa ni Cristo sa mundo?” Dalawang bagay ang unang naisip ko: paglilingkod at pagpapagaling. Magagawa kong maglingkod, pero makapagpapagaling ba ako?

Ang konsepto ng pagpapagaling ay isang bagay na madalas kong pinag-iisipan. Ako ay naoperahan na nang 16 na beses sa buong buhay ko at kinailangan ko ng maraming pagpapagaling! Pero inisip ko kung paano ako magiging tulad ni Cristo at tutulungan ang iba na gumaling. Alam ko na hindi ko taglay ang kapangyarihan Niya na magpagaling. Kaya sa anong paraan Niya gusto na gawin ko ang Kanyang gawain ng pagpapagaling sa mundo? Ano ang maaari kong gawin?

Habang pinagninilayan ko kung paano ako tinulungan ng iba na gumaling, naisip ko ang kamangha-manghang gawain ng pagpapagaling—pagpapanatag, paglilingkod, at ministering—na ginawa ng iba sa buhay ko. Sa pagtutuon natin sa ministering o paglilingkod sa iba sa mga paraang katulad ng gagawin ng Tagapagligtas, ang konseptong ito ng pagtulong sa iba ay napakabisa. Lahat tayo ay dumaranas ng paghihirap sa ating buhay sa mundo. Napakaraming tao ang may karamdaman sa katawan at isipan o kaya nama’y nagdurusa sa espirituwal. Lahat tayo ay nangangailangan ng paggaling. Tulad ng ipinaliwanag ko sa aking artikulo (pahina 20) at tulad ng itinuro ni Elder Neil L. Andersen sa kanyang artikulo (pahina 12), lahat tayo ay maaaring makabahagi sa ministering sa mga paraang makatutulong sa iba na gumaling.

Tapat na sumasainyo,

Merrilee Boyack