Narito ang Simbahan
Taxco, Mexico
Dating isang minahan, ang Taxco de Alarcon, Guerrero, Mexico, ay kilala ngayon bilang isa sa mga pueblos magicos (magic towns) ng bansa, na bantog sa paggawa ng mga alahas na pilak, kolonyal na arkitektura ng mga Kastila, at sa kariktan ng kabukiran. Matatagpuan ang lungsod sa baku-bakong lupain at may matatarik at liku-likong mga lansangan. Ang pangunahing istruktura nito ay ang simbahan ng Santa Prisca na itinayo noong ika-18 siglo.
Matatagpuan din sa Taxco ang Taxco Branch ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na nagpupulong bawat Linggo sa isang gusali sa avenida de los Plateros. Ang branch, na bahagi ng Iguala Mexico Stake, ay isa sa 1,987 kongregasyon ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Mexico, kung saan may mahigit 1.4 milyong mga miyembro, 34 na mission, at 13 templo ang Simbahan. Sa Mexico rin matatagpuan ang Mexico City Missionary Training Center, ang pangalawang pinakamalaking MTC sa Simbahan. Ang center ay kayang tumanggap ng mahigit 1,000 missionary sa isang pagkakataon.
-
Ang unang limang miyembro sa Mexico ay nabinyagan noong 1876.
-
Ang Mexico ang unang bansa sa labas ng Estados Unidos na nagkaroon ng 100 mga stake.
-
Ang Mexico City Mexico Temple, na unang templo sa Mexico, ay inilaan noong 1983. Ang pinakahuling nailaan ay ang Tijuana Mexico Temple, na inilaan noong 2015. Ang Puebla Mexico Temple ay ibinalitang itatayo noong Oktubre 2018.
-
Nang bisitahin ni Pangulong Howard W. Hunter (1907–95) ang Mexico noong 1994, binuo niya ang Mexico City Contreras Stake, ang ika-2000 stake ng Simbahan.