2019
Hello mula sa Dominican Republic!
Hunyo 2019


Hello mula sa Dominican Republic!

Hello from the Dominican Republic

Hi! Ako si Margo. Ito ang kapatid kong si Paolo.

Bumibisita kami sa Dominican Republic. Halina at samahan kami!

Ang Dominican Republic ay nasa Caribbean. Nasa isla ito kasama ang bansang Haiti. Mga 10 milyong tao ang nakatira sa Dominican Republic, kasama ang halos 130,000 mga miyembro ng Simbahan.

Sa Dominican Republic, Espanyol ang wikang ginagamit nila. Heto ang isang batang lalaki na may el Libro de Mormón—ang Aklat ni Mormon.

Maraming bata sa Dominican Republic ang gustong maglaro ng baseball. Ito ang pinakasikat na laro sa Dominican Republic!

Ang mga tao sa Dominican Republic ay kumakain ng maraming tropikal na gulay at prutas. Ang mga batang lalaking ito ay umiinom mula mismo sa mga buko!

Ang Dominican Republic ay may isang templo, sa Santo Domingo. Nakasaad sa isinulat, “Santidad al Señor: La Casa del Señor.” Na ibig sabihin ay, “Kabanalan sa Panginoon: Ang Bahay ng Panginoon.”

Noong isang taon ay bumisita ang propeta sa Dominican Republic at nagsalita sa mga tao sa wikang Espanyol.

Salamat sa paglalakbay sa Dominican Republic na kasama namin. Ngayon ay pupunta tayo sa susunod nating pambihirang karanasan!