Tuwirang Sagot
Ano ang sasabihin ko kapag nagtanong ang aking mga kaibigan tungkol sa paniniwala natin sa kasal o pag-aasawa at pamilya?
Sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” ipinahayag ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol na “ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos at ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak” (familyproclamation.lds.org).
Ang paghahayag na ito “ay isang pagpapahayag ng katotohanan na walang-hanggan” na sumailalim sa isang “proseso ng paghahayag” at hindi isang “pahayag lamang ng patakaran” (Dallin H. Oaks, “Ang Plano at ang Pagpapahayag,” Liahona, Nob. 2017, 30, 29). Maaari mong ibahagi ang iyong personal na paniniwala na ito nga ito, at maaari mong ibahagi ang mga pagpapala na natanggap mo dahil sa mga katotohanang ito.
Sa pagtugon sa iba, kailangan nating iwasan na maging mapagmataas sa sarili o mapamintas. Dapat nating hangarin na mahalin sila. Silang mga bukas at tapat ay nararapat sa isang tapat na sagot. Ngunit kung halata na ang isang tao ay hindi seryoso at nais lamang hamakin o maliitin ang iyong mga pananaw, o kung nais lang nilang makipag-away, pinakamainam na umiwas sa usapan (tingnan sa Mateo 7:6).