2019
“Paano ko maiiwasang maging sagabal ang paggamit ng mga electronic device ko sa simbahan at sa seminary?”
Hunyo 2019


Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ko maiiwasang maging sagabal ang paggamit ng mga electronic device ko sa simbahan at sa seminary?”

young woman holding laptop and phone

Kapag Hindi Nakikita, Hindi Naiisip

Kailan lamang ay napansin ko ang pagkahilig ko sa paggamit ng mga electronic gadget sa simbahan at mga aktibidad para sa mga kabataan. Naging gawi ko na ito. Tuwing nakikita ko ang cell phone ko, agad kong kinukuha ito at tinitingnan kung mayroon akong bagong notification o text. Ang solusyon? Itatago ko ang cell phone ko. Kapag ito ay nasa bag, o sa ilalim ng upuan, o kahit sa kaibigan ko—kung hindi ko makikita ang cell phone ko, hindi ako matutuksong gamitin ito.

Taryn M., edad 15, Florida, USA

Ihanda Mo ang Iyong mga Device para Mabawasan ang Pagkakagambala

Ihanda ang iyong mga device sa parehong paraan kung paano mo inihahanda ang iyong isip at katawan para sa Sabbath. Patahimikin ang mga notification ng cell phone habang nasa klase. Maaari mong ihiwalay ang Gospel Library app mula sa ibang mga app upang kung iyong kailangan ang mga banal na kasulatan o ang kuwaderno, hindi ka magagambala ng mga app na iyon.

Delguimar S., edad 21, São Paulo, Brazil

Manalangin para sa Tulong

Hinahanap ko ang Espiritu sa pamamagitan ng pananalangin. Nakakatulong ito sa akin na huwag gamitin ang mga electronic device ko sa araw ng Sabbath at sa seminary. Kapag nananalangin ako sa aking Ama sa Langit at nagbabasa ng Aklat ni Mormon, tumatanggap ako ng paraan upang huwag gamitin ang mga device ko.

Desire M., edad 18, Comoé District, Ivory Coast

Huwag Kalimutan ang mga Pisikal na Kopya!

Ang paggamit ng mga electronic gadget para sa pag-aaral ng ebanghelyo ay OK, ngunit minsan ay sumosobra ito. Upang maiwasan ang iyong sarili na magambala, subukang gumamit ng pisikal na kopya ng mga banal na kasulatan. Gagabayan ka ng Panginoon. Napakarami mong matututuhan at madarama ang Espiritu.

Aiyana A., edad 13, Laguna, Philippines

Itabi Ito

Sa simbahan, pinapatay ko ang tunog ng aking cell phone at inilalagay ito sa bulsa ko maliban na lamang kung ginagamit ko ito para sa mga banal na kasulatan. Sa oras ng sakramento, hindi ko ito ginagamit. Inilalayo ko ito sa mga kamay ko upang maiwasan ang tuksong gamitin ito.

William W., edad 17, Virginia, USA