2019
Nagpapasalamat para sa mga Magulang
Hunyo 2019


Mula sa Unang Panguluhan

Nagpapasalamat para sa mga Magulang

Hango mula sa “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” pangkalahatang kumperensya ng Abril 2018

Grateful for Parents

Lahat ng walo kong lolo at lola-sa-tuhod ay nabinyagan sa Simbahan sa Europa. Napakatapat nila sa Simbahan. Matapos noon, ilan sa mga ninuno ko ay hindi nagpatuloy na ipamuhay ang ebanghelyo. Dahil dito, hindi gaanong nagsisimba ang mga magulang ko noong bata pa ako.

Mahal ko ang mga magulang ko. Itinuro nila sa akin ang mga napakahalagang aral. Lubus-lubusan ang pasasalamat ko sa kanila para sa aming masayang tahanan. Ngunit kahit bilang bata, batid kong may kulang dahil hindi gaanong nagsisimba ang pamilya ko. Isang araw sumakay ako ng pampublikong sasakyan at pumunta sa tindahan ng mga libro para maghanap ng aklat tungkol sa Simbahan. Gustung-gusto kong malaman ang tungkol sa ebanghelyo.

Nang nalaman ko ang tungkol sa Word of Wisdom, nalaman ko na hindi ipinamumuhay ng mga magulang ko ang itinuturo nito sa atin na paraan ng pamumuhay. Ngunit nais kong ipamuhay nila ito! Kung kaya isang araw, binasag ko sa sementong sahig ang lahat ng bote ng alak na nasa aming bahay! Inasahan ko na parurusahan ako ng aking ama, ngunit wala siyang sinabi tungkol dito.

Sa paglaki ko, patuloy kong natutuhan ang tungkol sa ebanghelyo. Nagsimula kong maintindihan ang magandang plano ng Ama sa Langit. Labing-anim na taong gulang ako noong nabinyagan ako. Tuwing Kapaskuhan, madalas kong sabihin sa sarili ko, “Ayoko ng isa pang regalo sa Pasko! Ang gusto ko lang ay maibuklod sa aking mga magulang sa templo.” Maraming taon kong hinintay na matupad ang pangarap na iyon. Nang higit 80 taong gulang na ang mga magulang ko, sa wakas ay naibuklod na kami bilang isang pamilya! Labis na galak ang nadama ko noong araw na iyon. Bawat araw, napakasaya ko pa rin na ibinuklod sila sa isa’t isa at ibinuklod ako sa kanila.

Pahinang Kukulayan

Product Shot from June 2019 Liahona

“Ibuhos ang inyong puso sa inyong Ama sa Langit. Humiling sa Kanya ng kasagutan at kapanatagan.” —Pangulong Russell M. Nelson