Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Bumisita si Elder Cook sa Brazil
Nagpunta sina Elder Quentin L. Cook at Sister Mary Cook sa Brazil upang bisitahin ang mga miyembro ng Simbahan. Nagtungo sila roon upang ituro at ibahagi ang pagmamahal ni Jesucristo.
Binisita nila ang malaking lungsod ng Belo Horizonte. Ang ibig sabihin ng pangalan ng lungsod na iyon ay “magandang dako pa roon.” Sinabi ni Elder Cook na mayroon itong pinakamagagandang paglubog ng araw na doon pa lamang niyang nakita!
Maraming tao ang nagtungo upang marinig si Elder Cook na magsalita sa isang kumperensya ng stake. Inanyayahan niya ang lahat na maging liwanag. Nangangahulugan ito na maging isang magandang halimbawa at tumulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Masaya ang mga bata na makakita ng isang Apostol ng Diyos!
Dumalaw sina Elder at Sister Cook sa isang missionary training center. Ibinabahagi ng mga missionary ang liwanag ni Jesucristo sa araw-araw!
Paano ka magiging ilaw sa tahanan, sa iyong komunidad, at sa paaralan?
Kapag tayo ay ilaw, mas mabuti ang impluwensya natin sa mundo. —Elder Quentin L. Cook
Gumawa ng Lampara
paper cup o basong papel
hole punch o matalas na lapis
flashlight o glow stick
-
Gamitin ang hole puncher o matalas na lapis upang gumawa ng mga butas sa paligid ng basong papel. Gumawa ng mga butas sa ilalim o tuluyan itong gupitin (humingi ng tulong sa nakatatanda).
-
Lagyan ng dekorasyon ang basong papel ayon sa gusto mo. Pagkatapos ay ilagay ang ilaw o glow stick sa ilalim ng basong papel.
-
Patayin ang mga ilaw at tingnang lumiwanag ang iyong lampara!