“Si Jacob at si Esau,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Si Jacob at si Esau,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Genesis 25–27
Si Jacob at si Esau
Dalawang magkapatid na lalaki at isang pagkapanganay
Sina Isaac at Rebeca ay may kambal na anak na lalaki na sina Jacob at Esau. Si Esau ay mahusay na mangangaso. Si Jacob naman ay namumuhay nang simple at sumusunod sa Panginoon.
Si Esau ang unang isinilang. Ang panganay ang karaniwang tumatanggap ng basbas ng pagkapanganay mula sa kanyang ama. Ang ibig sabihin ng pagkapanganay ay mamumuno siya sa pamilya at tatanggap ng mas maraming lupain at mga hayop na tutulong sa pangangalaga sa pamilya. Ngunit mas may malasakit si Esau sa kanyang sarili kaysa sa kanyang pamilya, at sinuway niya ang kanyang mga magulang at ang Panginoon.
Isang araw ay bumalik si Esau mula sa pangangaso. Gutom na gutom siya at nakiusap kay Jacob na pakainin siya. Nais ng Panginoon na si Jacob ang tumanggap ng basbas ng pagkapanganay dahil hindi karapat-dapat dito si Esau. Hiniling ni Jacob kay Esau na ibigay sa kanya ang pagkapanganay kapalit ng ilang pagkain. Sumang-ayon si Esau at ipinagpalit ang kanyang pagkapanganay kay Jacob.
Genesis 25:23, 29–34; Mga Hebreo 11:20
Nais nina Rebecca at Isaac ang pinakamainam para sa kanilang mga anak. Nalungkot sila na patuloy na ginagawa ni Esau ang mga bagay na gusto niya at hindi ang nais ng Panginoon.
Tumanda si Isaac at nabulag. Bago siya pumanaw, hiniling niya kay Esau na mangaso at magluto ng isang hayop para kanyang makain at namnamin.
Batid ni Rebecca na panahon na upang ibigay ni Isaac ang basbas ng pagkapanganay.
Hiniling ni Rebecca kay Jacob na kumuha ng dalawang hayop para makapagluto siya ng pagkain bago bumalik si Esau. Nang sa gayon ay matatanggap ni Jacob ang basbas.
Nagbihis si Jacob na tulad ni Esau at dinala ang pagkain sa kanyang ama. Ibinigay ni Isaac kay Jacob ang basbas ng pagkapanganay. Nang bumalik si Esau, galit na galit siya kay Jacob. Ngunit ang pagkapanganay ay napunta kay Jacob dahil sinunod niya ang mga utos ng Panginoon at si Esau ay hindi.