“Ang Sanggol na si Moises,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Sanggol na si Moises,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Exodo 1–2
Ang Sanggol na si Moises
Pagprotekta sa magiging pinuno ng mga Israelita
Ang pamilya ni Jacob ay naging isang napakalaking grupo ng tao sa Ehipto. Ang tawag sa kanila ay mga Israelita. Si Faraon, na siyang hari ng Ehipto, ay natakot na balang araw ay magkakaroon ng napakaraming Israelita at sasakupin nila ang Ehipto, kaya ginawa niyang alipin ang mga Israelita.
Pagkatapos ay iniutos ni Faraon na lahat ng bagong silang na sanggol na lalaki ay dapat paslangin. Lubhang natakot ang mga pamilyang Israelita.
Nakaisip ang isang inang Israelita na nagngangalang Jokebed ng isang paraan upang iligtas ang kanyang bagong silang na anak na lalaki. Inilagay niya ang kanyang sanggol sa basket at itinago ang basket sa masusukal na damo sa tabi ng Ilog Nile. Ang kapatid ng sanggol na si Miriam, ay nagbantay sa kanya upang panatilihin siyang ligtas.
Habang naliligo sa ilog, natuklasan ng anak na babae ni Faraon ang basket. Nakita niya ang kawawang sanggol na Israelita na umiiyak at ninais niyang palakihin ito bilang kanyang sariling anak. Lumapit si Miriam sa anak na babae ni Faraon at itinanong kung maaari siyang magdala ng isang babaeng Israelita para alagaan ang sanggol.
Dinala ni Miriam ang kanyang inang si Jokebed sa anak na babae ni Faraon. Sumang-ayon ang anak na babae ni Faraon na magbayad kay Jokebed para alagaan ang sanggol.
Lumaki ang sanggol na Israelita. Pinalaki siya ng anak na babae ni Faraon bilang sarili nitong anak. Pinangalanan niya itong Moises.