“Ang Propetang si Moises,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Propetang si Moises,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Exodo 2–3
Ang Propetang si Moises
Hinirang na magpalaya sa mga tao ng Panginoon
Si Moises ay lumaki bilang anak ng anak na babae ni Faraon. Nakita ni Moises na masama ang mga taga-Ehipto sa mga Israelita. Nalungkot siya dahil ginawang mga alipin ng mga Ehipcio ang mga Israelita.
Isang araw ay nakita ni Moises ang isang Ehipcio na sinasaktan ang isang Israelita. Upang ipagtanggol ang Israelita, pinatay ni Moises ang Ehipcio.
Nang mabalitaan ito ng Faraon, ninais niyang patayin si Moises, subalit tumakas si Moises mula sa Ehipto.
Dumating si Moises sa isang lugar na tinatawag na Midian, kung saan nakilala niya ang isang babaeng nagngangalang Zifora. Nagpakasal sila at nagkaroon ng mga anak.
Habang naninirahan sa Midian, nakakita si Moises ng palumpong na nasusunog, ngunit hindi tinupok ng apoy ang palumpong. Nagpakita ang Panginoon sa isang ningas ng apoy at nagsalita kay Moises.
Sinabi ng Panginoon na alam Niya na ang mga Israelita ay nagdurusa sa Ehipto. Inutusan niya si Moises na bumalik sa Ehipto at sabihin kay Faraon na palayain ang mga Israelita. Sinabi ng Panginoon na tutulungan niya si Moises upang palayain ang mga Israelita at akayin sila patungo sa isang lupang pangako.