Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Paskua


“Ang Paskua,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Ang Paskua,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Exodo 11–12; 14–15

Ang Paskua

Pinrotektahan ng Panginoon

nananalangin si Moises

Tutol si Faraon na palayain ang mga Israelita, kaya sinabi ng Panginoon kay Moises na magpapadala Siya ng isang huling salot. Ang panganay na anak sa bawat pamilya sa lupain ng Egipto ay mamamatay, maging ang panganay sa kanilang mga hayop.

Exodo 11:1, 4–10

nakikipag-usap si Moises sa mga tao

Nangako ang Panginoon na kung susundin ng mga Israelita ang Kanyang mga tagubilin, lalampasan sila ng salot at hindi sila masasaktan.

Exodo 12:3, 13, 23

Pinipintahan ng lalaki ang hamba, nagmamasid ang mga bata

Sinabihan ng Panginoon ang bawat pamilyang Israelita na mag-alay ng isang perpektong lalaking kordero at ipahid ang dugo nito sa hamba ng kanilang mga bahay.

Exodo 12:4–7

Kumakain ng hapunan ang isang pamilya

Sinabihan ng Panginoon ang mga Israelita na iluto ang kordero at kainin ito kaagad. Habang kumakain, dapat sila ay nakabihis na at handa nang umalis sa kanilang mga tahanan. Sinabi ng Panginoon na kung gagawin ng mga Israelita ang mga bagay na ito, magiging ligtas ang kanilang panganay mula sa salot.

Exodo 12:8–11

Namatay ang anak ni Faraon

Tulad ng ibinabala ng Panginoon, dumating ang salot. Namatay ang lahat ng panganay sa Egipto, kabilang na ang panganay na anak ni Faraon. Ngunit nilampasan ng salot ang bawat tahanan na may dugo ng kordero sa hamba. Ang mga panganay ng mga Israelita ay naligtas dahil sinunod nila ang Panginoon.

Exodo 12:12–13, 29–30

malungkot na sinabihan ni Faraon sina Moises at Aaron na umalis

Nang makita ni Faraon na patay na ang kanyang sariling anak dahil sa salot, sinabihan niya sina Moises at Aaron na tipunin ang lahat ng Israelita at lisanin ang Egipto.

Exodo 12:31–33

galit na nagsugo si Faraon ng hukbo

Umalis ang mga Israelita, ngunit galit si Faraon. Tinipon niya ang kanyang hukbo at mga karwahe at hinabol nila ang mga Israelita.

Exodo 12:37–41; 14:5–8

hinahabol ng hukbo ang mga Israelita

Nagkampo ang mga Israelita sa dalampasigan ng Dagat na Pula. Hindi nagtagal ay naabutan sila ni Faraon at ng kanyang hukbo. Nang makita ng mga Israelita na dumarating ang mga taga-Egipto, natakot sila. Ngunit sinabi ni Moises sa mga Israelita na poprotektahan sila ng Panginoon.

Exodo 14:9–14

itinaas ni Moises ang tungkod, nahawi ang Dagat na Pula

Habang papalapit ang mga taga-Egipto, sinabihan ng Panginoon si Moises na itaas ang kanyang tungkod. Ginawa ito ni Moises, at hinawi ng Panginoon ang dagat. Tinawid ng mga Israelita ang dagat sa ibabaw ng tuyong lupa. Tumakbo sila palayo kay Faraon at sa hukbo nito.

Exodo 14:15–16, 21–22

tumabon ang Dagat na Pula sa hukbo ng Egipto

Hinabol ng hukbo ng Egipto ang mga Israelita. Nang ligtas na ang lahat ng Israelita sa kabilang panig ng dagat, hinayaan ng Panginoon na magsanib muli ang tubig. Nalunod sa dagat ang hukbo ng Egipto.

Exodo 14:23–30

nagsasayaw ang mga Israelita

Sa wakas, ang mga Israelita ay malaya na. Sila ay nag-awitan, nagsayawan, at nagpasalamat sa Panginoon. Palagi nilang ginugunita ang Paskua bilang panahon na iniligtas ng Panginoon ang kanilang mga buhay at inakay sila palabas ng Egipto.

Exodo 14:31; 15:1–22