“Ang Paglikha ng Mundo,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Paglikha ng Mundo,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Genesis 1–2; Moises 1–3; Abraham 3–5
Ang Paglikha ng Mundo
Isang magandang tahanan para sa mga anak ng Ama sa Langit
Inilahad ng ating Ama sa Langit ang plano ng kaligtasan sa langit. Lahat tayo ay naghiyawan sa galak! Makararating tayo sa lupa upang tumanggap ng pisikal na katawan. Habang nasa lupa, matututuhan nating sundin ang Anak ng Diyos, ang Panginoong Jesucristo. Nilikha ng Panginoon ang mundo alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos.
Genesis 1:1; Job 38:4–7; Moises 1:32–33; 2:1; Abraham 3:22–27
Sa unang araw, inihiwalay ng Panginoon ang liwanag mula sa kadiliman. Tinawag Niya ang liwanag na araw at ang kadiliman na gabi.
Genesis 1:3–5; Moises 2:3–5; Abraham 4:1–5
Sa ikalawang araw, hinati Niya ang mga tubig sa pagitan ng mga ulap sa langit at ang mga karagatan sa lupa.
Genesis 1:6–8; Moises 2:6–8; Abraham 4:6–8
Sa ikatlong araw, bumuo ang Panginoon ng malalaking karagatan at tuyong lupa. Pinangalanan niya ang mga tubig na dagat at ang tuyong lupain ng lupa. Ginawa niyang maganda ang lupain sa pamamagitan ng mga bulaklak, prutas, halaman, at puno.
Genesis 1:9–13; Moises 2:9–13; Abraham 4:9–13
Sa ikaapat na araw, nilikha Niya ang araw na sumisikat sa buong maghapon. Pagkatapos ay nilikha Niya ang buwan at ang mga bituin upang tumanglaw sa gabi.
Genesis 1:14–19; Moises 2:14–19; Abraham 4:14–19
Sa ikalimang araw, nilikha ng Panginoon ang mga isda sa dagat at ang mga ibon sa langit. Binasbasan Niya ang mga nilalang upang magpakarami at binasbasan ang mga isda upang punuin ang mga tubig.
Genesis 1:20–23; Moises 2:20–23; Abraham 4:20–23
Sa ikaanim na araw, lumikha Siya ng mga hayop sa lupain, ang ilan ay naglalakad at ang ilan naman ay gumagapang.
Genesis 1:24–25; Moises 2:24–25; Abraham 4:24–25
Bumaba ang Ama sa Langit at ang Panginoon sa lupa noong ikaanim na araw. Ang lalaki at babae ay nilikha ayon sa sariling larawan ng Diyos. Sinabihan sila ng Ama sa Langit na pangalagaan ang isa’t isa at magkaroon ng mga anak. Pinagkatiwalaan din ang lalaki at babae na alagaan ang lupain at mga hayop.
Genesis 1:26–27; Moises 2:26–27; Abraham 4:26–31; 5:7–8
Masaya ang Ama sa Langit sa lahat ng Kanilang nilikha. Sa ikapitong araw, nagpahinga Sila mula sa lahat ng Kanilang gawain. Ang mundo ay maganda at puno ng buhay.