“Ang mga Israelita sa Ilang,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang mga Israelita sa Ilang,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Ang mga Israelita sa Ilang
Pagkatutong umasa sa Panginoon
Hindi nagtagal matapos lisanin ng mga Israelita ang Egipto, nagreklamo sila na wala silang sapat na pagkain. Sinabi nila na mas makabubuting maging alipin sa Egipto kaysa magutom sa ilang.
Upang turuan ang mga Israelita na magtiwala sa Kanya, nagpadala ang Panginoon ng tinapay mula sa langit na maaari nilang tipunin araw-araw. Tinawag nila ang tinapay na manna. Tila lasang pulot ito. Hindi nagpadala ang Panginoon ng manna sa araw ng Sabbath, ang ikapitong araw ng linggo. Kaya sa ikaanim na araw, sinabihan Niya sila na magtipon ng manna na sasapat para sa dalawang araw.
Pansamantala ring nagpadala ang Panginoon ng pugo na maaaring kainin ng mga Israelita. Sa umaga ay nanguha sila ng manna, at sa gabi ay nagtipon sila ng pugo. Nais ng Panginoon na matuto ang mga Israelita na magtiwala sa Kanya. Sa ganitong paraan, inalagaan Niya sila sa ilang.