Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sina Ruth at Noemi


“Sina Ruth at Noemi,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Sina Ruth at Noemi,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Ruth 1–4

Sina Ruth at Noemi

Pagdaig sa mga pagsubok nang may pagmamahal at katapatan

naglalakad sa lungsod sina Noemi at ang kanyang pamilya

Lumipat si Noemi at ang kanyang pamilya sa Moab dahil hindi sapat ang pagkain sa lupain ng Juda. Pagkatapos ay namatay ang asawa ni Noemi. Ang mga anak na lalaki ni Noemi ay nag-asawa ng mga babae mula sa Moab na nagngangalang Orfa at Ruth. Inalagaan nila si Noemi sa loob ng 10 taon.

Ruth 1:1–4

nagyayakap sina Orfa, Ruth, at Noemi

Pagkatapos ay namatay ang mga asawa nina Orfa at Ruth. Ngayon ay nag-iisa na ang mga babae. Hindi makapagtustos ng pagkain si Noemi para kina Ruth at Orfa.

Ruth 1:5, 8–10

naglalakbay sina Ruth at Noemi sakay ng isang kamelyo

Bumalik si Orfa sa kanyang tahanan. Ngunit nais manatili ni Ruth at alagaan si Noemi. Narinig nina Ruth at Noemi na muling nagkaroon ng mga pananim ang lupain ng Juda, kaya naglakbay sila papunta roon.

Ruth 1:16–19

nag-aani ng butil si Ruth

Dumating sina Ruth at Noemi sa Juda noong panahon ng anihan. Kailangan nila ng pagkain. Ang kamag-anak ni Noemi na nagngangalang Boaz ay may mga pag-aaring bukirin sa Juda. Pinahintulutan niya si Ruth na kunin ang mga natirang butil sa kanyang bukid. Mahirap itong gawin.

Ruth 1:22; 2:3

nakikipag-usap si Boaz kay Ruth

Iginalang ni Boaz si Ruth dahil masipag ito at dahil tapat ito kay Noemi at sa Panginoon. Sinabi niya sa kanyang mga lingkod na mag-iwan ng mas maraming butil sa bukid para kay Ruth.

Ruth 2:5–17

sina Ruth at Noemi

Nais ni Noemi na magkaroon ng pamilya si Ruth. Hinikayat niya si Ruth na pakasalan si Boaz. Alam ni Ruth na kung magpapakasal sila ni Boaz, maaari nilang alagaan nang magkasama si Noemi.

Ruth 3:1–2; 4:15

sina Ruth at Boaz

Nagpasiya si Ruth na hilingin kay Boaz na pakasalan siya. Batid ni Boaz na si Ruth ay isang tapat at mabait na babae. Pumayag siya.

Ruth 3:3–18; 4:13

sina Ruth, Boaz, at ang isang sanggol

Nagpakasal sina Ruth at Boaz. Hindi naglaon ay nagsilang ng isang sanggol na lalaki si Ruth. Siya ang naging lolo ni David, ang magiging hari sa hinaharap. Makalipas ang maraming taon, isinilang si Jesuscristo mula sa kanilang lahi.

Ruth 4:13–17