“Ang Batang David,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Batang David,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Ang Batang David
Isang batang pastol na tinawag na maging hari
Isinugo ng Panginoon ang propetang si Samuel para maghanap ng bagong hari. Si Saul, na hari noong panahong iyon, ay tumigil na sa pagsunod sa Panginoon. Sinabihan ng Panginoon si Samuel na maglakbay papuntang Betlehem at hanapin ang isang lalaki na nagngangalang Jesse. Ang magiging bagong hari ay isa sa mga anak ni Jesse.
Ang mga nakatatandang anak ni Jesse ay matatangkad at malalakas. Ngunit sinabihan ng Panginoon si Samuel na huwag silang husgahan ayon sa kanilang hitsura.
Tinanong ni Samuel si Jesse kung may iba pa itong anak. Sinabi ni Jesse na ang kanyang bunsong anak na si David ay nag-aalaga ng mga tupa. Dinala si David kay Samuel.
Si David ay mas maliit kaysa sa kanyang mga kapatid at isang batang pastol lamang. Ngunit hindi alintana ng Panginoon ang hitsura ni David. Alam ng Panginoon na puno ng pananampalataya ang puso ni David. Sinabi niya kay Samuel na si David ang magiging hari. Binasbasan ni Samuel si David. Inihanda ng Espiritu ng Panginoon si David na maging hari.