“Si Haring David,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Si Haring David,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
1 Samuel 18–19; 31; 2 Samuel 1; 5; 11–12
Si Haring David
Ang mga hamon ng isang hari
Si Haring Saul, ang hari ng Israel, ay humanga sa tagumpay ni David kay Goliat. Hinirang ni Saul si David na maging pinuno ng kanyang mga hukbo.
Mahal ni David ang Panginoon at lagi niyang nais na gawin ang tama. Mahal ng mga tao ni Israel si David.
Nainggit si Saul at tinangkang patayin si David. Ngunit sumunod si David sa Panginoon, at pinrotektahan siya ng Panginoon mula kay Saul.
Nakipaglaban ang mga Israelita sa maraming digmaan. Isang araw ay namatay si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki sa digmaan. Minahal sila ni David at lubhang nalungkot nang malaman ang kanilang pagpanaw. Ngayon ay kailangan ng mga Israelita ang isang bagong hari. Pinili ng Panginoon si David na maging hari. Naging masaya ang mga tao.
1 Samuel 31:2–6; 2 Samuel 1:11–12; 5:1–5
Pinagpala ng Panginoon si Haring David at ginabayan siya. Sa tulong ng Panginoon, nadaig ng hukbo ni David ang kanilang mga kaaway.
Isang araw, nang dapat ay makikipaglaban si David ay nanatili siya sa bahay. Nakita niya ang isang magandang babae. Ang pangalan niya ay Batseba, at gusto siyang pakasalan ni David. Ngunit kasal na siya kay Urias, isang kawal sa hukbo ni David.
Nais ni David na pakasalan si Batseba, kaya pinapunta niya ang asawa nitong si Urias sa mapanganib na labanan para mapatay.
Hindi naglaon ay nalaman ni David na namatay sa digmaan si Urias. Pinapunta ni David ang kanyang mga lingkod kay Batseba sa kanyang bahay, at pinakasalan niya ito.
Ngunit hindi masaya ang Panginoon sa ginawa ni David. Isinugo ng Panginoon si Nathan, isang propeta, para sabihin kay David kung gaano kabigat ang kanyang kasalanan. Napakalungkot ni David dahil sa nagawa niya kina Urias at Batseba. Nanalangin siya at nag-ayuno para sa kapatawaran mula sa Panginoon.