“Ang Propetang si Elias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Propetang si Elias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
1 Mga Hari 16–18
Ang Propetang si Elias
Ang pananampalataya ng isang ina at ang mga himala ng Panginoon
Walang ulan sa kaharian ng Israel, at paubos na ang tubig. Hindi gusto nina Haring Ahab at Reyna Jezebel ang mga propeta ng Panginoon. Pinapatay pa nila ang ilan sa mga propeta. Nanalangin ang hari at reyna sa mga diyos-diyosan para magkaroon ng ulan. Ngunit sinabi sa kanila ng propetang si Elias na ang Panginoon ay hindi magpapadala ng ulan nang ilang taon.
1 Mga Hari 16:29–33; 17:1; 18:13
Nagalit ang hari at reyna kay Elias. Binalaan ng Panginoon si Elias na magtago dahil nanganganib ang kanyang buhay.
Inakay ng Panginoon si Elias sa batis at nagpadala ng mga ibon upang dalhan siya ng pagkain. Subalit dahil walang ulan, natuyo ang batis, at walang tubig si Elias.
Inakay ng Panginoon si Elias papunta sa isang babae sa isang malayong lungsod. Humingi si Elias sa kanya ng tubig at tinapay. Ngunit sapat lamang para sa sarili niya at sa kanyang anak ang kanyang dala para sa isa pang araw.
Alam ni Elias na ito ang pinakahuli niyang pagkain. Nangako siya na kung pakakainin siya nito, maglalaan ang Panginoon ng pagkain para sa pamilya nito hanggang sa bumalik ang ulan.
Nagluto ang babae ng tinapay para kay Elias. Pagkatapos ay dumami ang kanyang langis at harina! Naging sapat ang pagkain para kay Elias at sa pamilya niya sa loob ng maraming araw.
Isang araw ay nagkasakit ang anak ng babae at namatay. Tinanong niya si Elias kung bakit hinayaan ng Panginoon na mangyari ito sa kanya.
Taglay ni Elias ang priesthood. Binasbasan niya ang anak nito at hiniling sa Panginoon na tulutan siyang mabuhay muli. Muling huminga ang bata, at alam ng babae na si Elias ay propeta ng Panginoon.