Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Nangusap ang Panginoon kay Elias


“Nangusap ang Panginoon kay Elias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Nangusap ang Panginoon kay Elias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

1 Mga Hari 19

Nangusap ang Panginoon kay Elias

Pakikinig sa tinig ng Panginoon

Larawan
nakikipag-usap si Ahab kay Jezabel, may apoy sa likuran

Sinabi ni Haring Ahab kay Reyna Jezabel na natalo ng Panginoon ang mga saserdote ni Baal. Nagalit si Jezabel at sinabi niyang papatayin niya ang propetang si Elias.

1 Mga Hari 19:1–2

Larawan
nahanap ni Elias ang kuweba

Upang manatiling ligtas, nilisan ni Elias ang lupain ng Israel. Naglakbay siya nang 40 araw at 40 gabi, na nag-aayuno habang naglalakbay. Pagkatapos ay nakarating siya sa Bundok ng Sinai at may nakita siyang kuweba na pagtataguan. Sinabihan ng Panginoon si Elias na magpunta sa tuktok ng bundok upang makausap Niya si Elias.

1 Mga Hari 19:3, 8–11

Larawan
pinagmamasdan ni Elias ang hangin, lindol, at apoy

Umihip ang malakas na hangin at biniyak nito ang mga bato sa paligid ng kuweba hanggang sa magkapira-piraso ang mga ito. Pagkatapos niyon, isang lindol ang yumanig sa lupa. At nagkaroon ng apoy. Narinig ni Elias ang malalakas na tunog ng hangin, lindol, at apoy. Ngunit ang tinig ng Panginoon ay wala sa malalakas na ingay na iyon.

1 Mga Hari 19:11–12

Larawan
nakikipag-usap ang Panginoon kay Elias

Pagkatapos ay nakarinig si Elias ng isang tahimik, marahan, at banayad na tinig. Alam niyang ang Panginoon iyon. Tinanong ng Panginoon si Elias kung ano ang ginagawa nito roon.

1 Mga Hari 19:12–13

Larawan
nakikipag-usap si Elias sa Panginoon

Sinabi ni Elias na nagtatago siya upang manatiling ligtas. Ang lahat ng mga propeta ay pinatay na, at tinalikuran ng mga tao ang Panginoon.

1 Mga Hari 19:14

Larawan
natagpuan ni Elias si Eliseo

Pinanatag ng Panginoon si Elias at sinabi Niya rito na maraming Israelita ang sumasamba pa rin sa Panginoon. Sinabihan ng Panginoon si Elias na umuwi at maghanda ng isa pang propeta. Ang pangalan ng bagong propetang ito ay Eliseo.

1 Mga Hari 19:15–18

Print