Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Pamilya nina Adan at Eva


“Ang Pamilya nina Adan at Eva,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Ang Pamilya nina Adan at Eva,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Genesis 4; Moises 5–6

Ang Pamilya nina Adan at Eva

Pagpiling sundin ang Panginoon

sina Adan at Eva at ang kanilang pamilya

Matapos lisanin nina Adan at Eva ang Halamanan ng Eden, patuloy nilang natutuhan ang tungkol sa plano ng Ama sa Langit para sa kanila sa lupa. Nagkaroon sila ng maraming anak at itinuro nila sa mga ito ang lahat ng nalalaman nila tungkol sa Panginoon. Pinili ng ilan sa mga anak nina Adan at Eva na sundin ang Panginoon. Ngunit pinili ng ilan sa kanila na huwag gawin iyon.

Moises 5:1–12; 6:15

sina Adan at Eva kasama ang kanilang mga anak, nagsusulat ng mga banal na kasulatan si Adan

Ang pamilya nina Adan at Eva ay nag-ingat ng isang aklat ng alaala. Isinulat nila ang kasaysayan ng kanilang pamilya sa aklat. Isinulat nila kung paano sila tinulungan ng Panginoon.

Moises 6:5–6

sina Cain at Abel

Sina Cain at Abel ay dalawa sa mga anak nina Adan at Eva. Minahal ni Abel ang Panginoon at pinili niyang sundin Siya. Hindi sinunod ni Cain ang Panginoon. Pinili niyang maghimagsik.

Genesis 4:1–16

lalaking nakatingin sa lungsod

Patuloy na lumaki ang pamilya nina Adan at Eva. Marami pang tao ang isinilang. Lahat sila ay may kalayaang pumili. Kalaunan, naghimagsik ang ilang tao laban sa mga kautusan ng Panginoon. Nagpadala ang Panginoon ng mga propeta upang turuan ang mga tao na magsisi.

Genesis 4:25–26; Moises 5:13; 6:23