Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Daniel at ang Kanyang mga Kaibigan


“Si Daniel at ang Kanyang mga Kaibigan,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Si Daniel at ang Kanyang mga Kaibigan,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Daniel 1

Si Daniel at ang Kanyang mga Kaibigan

Tumatangging kainin ang pagkain ng hari

mga batang lalaking dinakip ng mga sundalo

Sinakop ng kaharian ng Babilonia ang Jerusalem. Kinuha nila ang ilan sa mga pinakamatalino at pinakamalakas na kabataang lalaki mula sa kanilang mga pamilya sa Jerusalem at dinala ang mga ito sa Babilonia upang maglingkod sa hari.

Daniel 1:1–4

mga kabataang lalaki sa konseho ng hari

Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay ilan sa mga kabataang lalaking ito. Pinili silang maglingkod sa konseho ng hari at maging kanyang mga pantas.

Daniel 1:4–6

pagkain at alak

Nagbigay ang hari kay Daniel at sa kanyang mga kaibigang ng pagkain at alak. Subalit ayaw nilang kainin ang pagkain o inumin ang alak ng hari. Labag ito sa mga utos ng Diyos.

Daniel 1:5–8

mga kabataang lalaki na kumakain

Nagdulot ito ng takot sa alipin ng hari para sa kanyang buhay. Inaalagaan niya si Daniel at ang kanyang mga kaibigan, at naisip niya na kung tatanggihan nila ang pagkain ng hari, magiging mas mahina sila kaysa sa iba pang mga kabataang lalaki. Kung magkagayon ay magagalit ang hari at ipapapatay ang alipin.

Daniel 1:9–10

nakikipag-usap si Daniel sa alipin

Subalit si Daniel ay nagtiwala sa Diyos at nagnais na sundin ang Kanyang mga utos. Hiniling ni Daniel sa alipin na bigyan sila ng tubig at mga butil sa loob ng 10 araw at pagkatapos ay ihambing ang kanilang kalusugan sa kalusugan ng iba pang mga kabataang lalaki. Pumayag ang alipin.

Daniel 1:11–14

sina Daniel at mga kaibigan na nag-aaral

Pagkaraan ng 10 araw, naging mas malusog sina Daniel at ang kanyang mga kaibigan kaysa sa lahat ng iba pang kabataang lalaki. Sinunod ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan ang mga utos ng Diyos, at ginawa sila ng Diyos na pinakamatatalinong lalaki sa konseho ng hari.

Daniel 1:15–20