Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Noe at ang Kanyang Pamilya


“Si Noe at ang Kanyang Pamilya,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Si Noe at ang Kanyang Pamilya,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Genesis 6–9; Moises 8

Si Noe at ang Kanyang Pamilya

Isang daong, isang baha, at mga pangako ng Panginoon

nakatingin si Noe sa mga tao

Si Noe at ang kanyang pamilya ay sumunod sa Panginoon. Ang lahat ng iba pang tao ay napakasama na. Sinabi ng Panginoon kay Noe na babahain ang mundo kung hindi magsisisi ang mga tao.

Genesis 6:5–13; Moises 8:13–17

si Noe habang nagtuturo sa mga tao

Itinuro ni Noe sa mga tao na mahal sila ng Panginoon at nais niya silang magsisi at manampalataya kay Jesucristo. Ayaw nilang makinig.

Moises 8:19–30

gumagawa ng daong si Noe at ang kanyang pamilya

Nalungkot si Noe na hindi nagsisi ang mga tao. Iniutos ng Diyos kay Noe na gumawa ng isang malaking barko na tinawag na daong. Pananatilihing ligtas ng daong ang pamilya ni Noe sa nang bumaha.

Genesis 6:14–18; Moises 8:25

mga hayop na naglalakad papasok sa daong

Nagdala ng pagkain sa daong ang pamilya ni Noe. Nagpadala ang Panginoon kay Noe ng hindi bababa sa dalawang hayop mula sa bawat uri. Nagtungo ang mga hayop sa daong, at pagkaraan ng pitong araw ay nagsimulang umulan.

Genesis 6:18–22; 7:1–9

daong na lumulutang sa dagat

Tulad ng babala ng Panginoon, umulan nang 40 araw at 40 na gabi. Nabalot ang daigdig ng baha.

Genesis 7:6–23

si Noe at ang kanyang pamilya

Ang pamilya ni Noe at ang lahat ng mga hayop sa daong ay ligtas na nakalutang sa tubig.

Genesis 7:24; 8:1–3

si Noe, ang pamilya, at ang mga hayop sa lupa

Nang matapos ang baha, dumaong ang barko sa tuyong lupa. Nagtayo si Noe at ang kanyang pamilya ng isang dambana upang sambahin ang Panginoon at pasalamatan Siya sa pangangalaga sa kanila. Nangako ang Panginoon na hindi na muling babalutin ng baha ang mundo. Nagpadala siya ng bahaghari bilang paalaala ng Kanyang pangako.

Genesis 8:13–22; 9:8–17