Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Aralin 16: Magsasabi Ako ng ‘Sorry’


16

Magsasabi Ako ng “Sorry”

Pambungad para sa Guro

Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:

Sa tuwing may nagagawa tayong masama o mali, dapat nating aminin ang ating pagkakasala at sikaping itama ito (tingnan sa Santiago 5:16). Ang kahandaan nating magpakumbaba at humingi ng paumanhin ay magpapalambot ng mga puso at maghahanda sa atin na lumapit kay Cristo (tingnan sa 3 Nephi 12:23–24).

Paghahanda

  • Markahan ang pahina 106 sa manwal na ito para madali ninyo itong mabuklat.

  • Basahin ang 1 Nephi 17:7–8, 17–19, 49–55; 18:1. Paghandaang ibuod nang maikli ang kuwento tungkol sa paggawa ng sasakyang-dagat ni Nephi at ng kanyang mga kapatid.

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Magsimula sa aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.

Panalangin

Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.

Larawan

Ipakita ang larawan ni Jesucristo sa pahina 106. Sabihin sa mga bata na tinuruan tayo ni Jesus kung paano lumigaya. Ipaliwanag na ang pagbibitiw ng magagandang salita ay magpapasaya sa atin at sa iba; kapag nagkamali tayo o gumawa ng hindi maganda, kailangan nating sambitin ang magagandang salitang ito: “Sorry.” Ipasambit sa mga bata ang, “Sorry.”

Jesus Christ

Awit

Kantahin o bigkasin ang mga titik sa koro ng “Sinisikap Kong Tularan si Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41) at gawin ang mga aksyon sa ibaba. Pasabayin sa inyo ang mga bata.

Magmahal ka nang tulad ni Jesus. (yakapin ang sarili at ibilingbiling ang katawan)

Ang kabutiha’y ‘pakitang lubos. (tumangu-tango)

Maging mahinahon sa bawat kilos, (yakapin ang sarili at ibilingbiling ang katawan

Ito ang turo ni Jesus. (tumangu-tango)

Kuwento sa Banal na Kasulatan

Ipakita ang larawan ni Nephi na gumagawa ng sasakyang-dagat (pahina 70) at ikuwento ang paggawa ng sasakyang-dagat ni Nephi at ng kanyang mga kapatid. Nasa ibaba ang isang halimbawa:

Ito si Nephi (ituro si Nephi sa gitna ng larawan). Sinabi ng Panginoon kay Nephi na gumawa ng sasakyang-dagat. Ang sasakyang-dagat ay isang malaking barko (ituro ang barko sa larawan). Ito ang mga kapatid ni Nephi (ituro sila sa larawan). Ilan sa kanila ang nagsalita ng hindi maganda kay Nephi at ayaw siyang tulungang gawin ang barko. Nalungkot si Nephi (pagkunwariing malungkot ang mga bata). Kalaunan nagsisi ang mga kapatid ni Nephi at tinulungan siyang gawin ang barko. Muling sumaya ang lahat (pagkunwariing masaya ang mga bata).

Nephi building a ship

Ipaalala sa mga bata na kapag nagsasabi tayo ng, “sorry,” maaari tayong lumigaya at mapapaligaya natin ang iba. Ipasambit sa mga bata ang, “Sorry.”

Pagsasadula

Pagkunwariing tinutulungan ng mga bata si Nephi na gawin ang barko—putulin ang kahoy, dalhin ito sa pampang, pakuan ang kahoy, at itaas ang mga layag. Gawin ang mga kilos, tunog, at galaw para mas madama ito ng mga bata.

Katapusan

Magpatotoo na maaari tayong lumigaya kapag nagsasabi tayo ng, “sorry.”

Panalangin

Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.

Opsyonal na Mga Aktibidad

Paghahanda

  • Para sa larong hulaan: Gawan ng kopya ang pahina 71, at gupitin ang isa sa mga bilog. Kulayan ito kung gusto ninyo. Magdala ng tatlong panyo o maliliit na telang retaso.

    coloring page, face circles

    Magiging masaya ako kapag nagsasabi ako ng “sorry.”

  • Para sa aktibidad sa pulseras: Kopyahin at gupitin ang mga bilog sa pahina 71 para magkaroon ng tig-iisa ang bawat bata. Pagdugtung-dugtungin ng tali o makapal na sinulid ang mga bilog para makagawa ng pulseras o kuwintas para sa bawat bata.

    bracelet diagram

Larong Hulaan

Ilapag sa sahig ang tatlong panyo. Pagtakipin ng mata ang mga bata habang itinatago ninyo ang mukhang ginupit ninyo sa ilalim ng isa sa mga panyo. Pagsalit-salitin ang mga bata sa pag-aangat ng panyo hanggang sa makita nila ang mukha. Pagkatapos ay basahin sa kanila ang caption at pasabayin sila sa inyo sa pag-uulit nito. Ulitin ang laro hanggang matapos ang bawat batang gustong sumali.

Mga Kuwento

Magsalaysay ng ilang simpleng kuwento para matulungan ang mga bata na magsabi ng “sorry,” tulad ng:

  • Inagawan ng laruan ng isang batang babae ang kapatid niyang lalaki. Nalungkot ang batang lalaki (pasimangutin ang mga bata) Pagkatapos ay sinabi niya, “sorry” at ibinalik ang laruan (ipasambit sa mga bata ang, “sorry”). Sumaya ang kapatid niya! (pangitiin ang mga bata).

  • Tumatakbo ang isang batang lalaki at nabunggo ang kapatid niyang babae. Nalungkot ang kapatid niya (pasimangutin ang mga bata). Pagkatapos ay sinabi niyang, “sorry” (ipasambit sa mga bata ang, “sorry”). Sumaya ang kapatid niya! (pangitiin ang mga bata).

Ulitin sa iba pang mga halimbawa.

Mga Pulseras

Bigyan ng maisusuot na pulseras o kuwintas ang bawat bata. Basahin sa kanila ang mga nakasulat sa larawang guhit.