Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Maikling Aralin: Maligayang Kaarawan


Maikling Aralin: Maligayang Kaarawan

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Aktibidad

Sa araw ng Linggo bago sumapit ang kaarawan ng bata, habang nakatipon ang mga bata para sa aralin, meryenda, o pagkanta, sabihin sa mga bata, “Kaarawan ngayon [o malapit na ang kaarawan] ni [pangalan ng bata]!” Ipasambit sa mga bata ang, “Maligayang kaarawan.”

Sabihin sa mga bata kung ilang taon na ang batang iyon sa kanyang kaarawan. Pasabayin sila sa inyo sa pagbilang sa kanilang mga daliri. Ulitin ito nang ilang beses.

Awit

Kantahin o bigkasin ang mga titik sa “Maligayang Bati” (Aklat ng mga Awit Pambata, 134) at pasabayin sa inyo ang mga bata:

Maligayang bati, [pangalan ng bata], mahal ko;

Maligaya ang araw na ‘to.

Kung may kahilingan lang ako,

‘Sang maligayang araw para sa ‘yo!

Ipasambit sa mga bata ang, “Maligayang kaarawan” at sabihin sa kanilang pumalakpak.