28
Binabasbasan Ako ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Priesthood
Pambungad Para sa Guro
Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-aralan ang sumusunod:
Ang priesthood ay kapangyarihan at karapatan ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang karapatang ito sa karapat-dapat na mga miyembrong lalaki ng Simbahan na edad 12 pataas upang makakilos sila sa Kanyang pangalan para basbasan ang iba. Ang mga ordenansa ng ebanghelyo, tulad ng binyag at kumpirmasyon, sacrament, at iba pa, ay isinasagawa sa pamamagitan ng karapatan ng priesthood (tingnan sa D at T 13; 20:73–79; 84:19–22). Lahat ng miyembro ng Simbahan ay nakikinabang sa priesthood.
Paghahanda
Markahan ang mga pahina 26 at 114 sa manwal na ito para madali ninyo itong mabuklat.
Mga Aktibidad sa Pag-Aaral
Magsimula sa aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 30.
Panalangin
Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.
Pagtuturo ng Doktrina
Sabihin sa mga bata na ang “priesthood” ay kapangyarihan ng Diyos; ibinibigay ng Diyos ang priesthood sa nakatatandang kalalakihan para mabasbasan nila ang kanilang mga pamilya at ang iba. Ipasambit sa mga bata ang “priesthood.” (Paalala: Sa araling ito, maging sensitibo sa damdamin ng mga bata sa nursery na walang ama sa kanilang tahanan o walang priesthood ang kanilang ama.)
Mga Larawan
Ipakita ang larawan sa pahina 118 at sabihin sa mga bata na magkunwaring may karga silang sanggol. Ipaliwanag na ang mga sanggol ay maaaring basbasan at bigyan ng pangalan ng mga kalalakihang may priesthood. Ipasambit sa mga bata ang “priesthood.”
Ipakita ang larawang guhit sa pahina 119 tungkol sa pagbabasbas ng maysakit. Sabihin sa mga bata na ang isang taong may priesthood ay maaaring magbasbas ng maysakit para bumuti ang kanilang pakiramdam. Ipakita ang larawan sa pahina 26. Ituro si Jesus at ipaliwanag na sa larawang ito binabasbasan ni Jesus ang isang bulag. Ipasambit sa mga bata ang “priesthood.”
Ipakita ang larawan sa pahina 114. Ipaalala sa mga bata na nakikibahagi tayo sa sacrament tuwing Linggo. Ipaliwanag na ito ay inihahanda, binabasbasan, at ipinapasa ng mga may priesthood. Ipasambit sa mga bata ang “priesthood.”
Awit
Paghawakin ng mga kamay ang mga bata at palakarin nang pabilog habang kinakanta o binibigkas ninyo ang mga sumusunod na titik ng “Dito ay May Pag-ibig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 102):
Tahanan ko sa tuwina ay pagkasaserdote ang gabay.
Katapusan
Magpatooo na binabasbasan tayo ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng priesthood.
Panalangin
Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.
Opsyonal na Mga Aktibidad
Paghahanda
-
Para sa aktibidad sa panauhin: Hilingan ang isang amang nagbasbas sa kanyang sanggol kamakailan na dalhin ang kanyang sanggol sa klase ng nursery at ikuwento ang kanyang karanasan.
-
Para sa flip book: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 119. Kulayan kung gusto ninyo. Gupitin sa tuwid na mga linya at tupiin sa tulduk-tudok na mga linya.
Mga Activity Verse
Bigkasin ang anuman o lahat ng sumusunod na mga activity verse, at pasabayin sa inyo ang mga bata. Pagkatapos ng bawat talata, ipaalala sa mga bata na pinagpapala ng priesthood ang ating buhay.
Pagbabasbas sa sanggol (idispley ang larawan sa pahina 118):
Karga ni Daddy ang sanggol (magkunwaring may kargang sanggol)
Nang buong pagmamahal
Para basbasan at pangalanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng priesthood.
Mahal niya ang aming pamilya! (yakapin ang sarili)
Pagbabasbas sa maysakit (ituro ang larawang guhit sa pahina 119):
Kapag ako’y may sakit, mababasbasan ako (ituro ang sarili)
Ng mababait na lalaking may priesthood.
Panatag ako, at sumasampalataya (ilagay ang mga kamay sa dibdib)
Na ako ay gagaling na muli.
Sacrament (idispley ang larawan sa pahina 114):
Tahimik na kumain ng tinapay (magkunwaring kumakain ng tinapay)
At uminom ng tubig. (magkunwaring umiinom ng tubig)
Humalukipkip at isipin si Jesucristo—(humalukipkip)
Iyan ang dapat kong gawin. (tumangu-tango)
[M. W. Verbica, “The Sacrament,” Friend, Peb. 1995, 17]
Panauhin
Ipakilala ang panauhin sa mga bata. Ipaliwanag sa kanila na siya ay may priesthood at ginamit niya ang priesthood para basbasan ang kanyang sanggol. Itanong ang mga ito sa ama, “May priesthood ba kayo?” “Ano ang pangalan ng inyong sanggol?” “Ano ang sinabi ninyo nang basbasan ninyo ang inyong sanggol?” “Paano ninyo gagamitin ang priesthood para mabasbasan ang inyong sanggol habang lumalaki siya?”
Flip book
Ipakita sa mga bata ang flip book na inihanda ninyo.Itaas ang unang flap, basahin ang caption, at pasabayin sa inyo ang mga bata sa pagsambit nito. Ulitin para sa bawat flap.