27
Tinutulungan Ako ng Sacrament na Isipin Si Jesucristo
Pambungad Para sa Guro
Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-aralan ang sumusunod:
Isang gabi bago namatay sa krus si Jesucristo, ibinigay Niya ang sacrament sa Kanyang mga Apostol at sinabi, “Gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin” (tingnan sa Lucas 22:19–20). Matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, ginawa rin Niya ito sa mga Nephita (tingnan sa 3 Nephi 18:1–11). Ngayon ay nakikibahagi rin tayo sa sacrament bilang pag-alaala sa sakripisyo ng Tagapagligtas para sa atin. Sumasaksi tayo sa Diyos na lagi nating aalalahanin si Jesucristo at susundin ang Kanyang mga utos. (Tingnan sa D at T 20:77, 79.)
Paghahanda
-
Sa pahintulot ng bishop o branch president, magdala ng mga sacrament tray na walang laman sa nursery.
-
Magdala ng isang kopya ng Biblia. Markahan ang Lucas 22:19 para madali ninyo itong mabuklat. Markahan din ang pahina 106 sa manwal na ito.
Mga Aktibidad sa Pag-Aaral
Magsimula sa aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.
Panalangin
Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.
Awit
Ipakita ang larawan ni Jesus sa pahina 106 habang kinakanta ninyo ang unang taludtod ng “Tahimik, Taimtim” (Aklat ng mga Awit Pambata, 11):
Tahimik, taimtim, kayo ay iisipin. (ituro ang larawan ni Jesus)
Ulitin nang ilang beses para maging mapitagan ang paligid. Pasabayin ang mga bata sa inyong pagkanta.
Banal na Kasulatan
Sabihin sa mga bata na tuwing Linggo gumagawa tayo ng napakaespesyal na bagay para alalahanin si Jesus—sa sacrament meeting kumakain tayo ng maliliit na piraso ng tinapay at umiinom ng tubig sa maliit na kopita. Sabihin sa kanila na ang tawag dito ay “sacrament.” Ipasambit sa mga bata ang “sacrament.” Sabihin sa kanila na nalalaman natin sa mga banal na kasulatan na nais ni Jesus na makibahagi tayo sa sacrament para alalahanin Siya. Buklatin ang Biblia sa Lucas 22:19 at sabihing, “Sinabi ni Jesus, ‘Gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.’ ”
Larawan
Ipakita ang larawan ng isang deacon na nagpapasa ng sacrament (pahina 114). Ituro ang mga detalye sa larawan, tulad ng deacon at ng mga taong tahimik na nakaupo. Ipahawak sa mga bata ang mga sacrament tray na dala ninyo habang ipinaliliwanag ninyo sa simpleng mga kataga ang nangyayari sa pamamahagi ng sacrament—tahimik tayong nakikinig habang binabasbasan ang sacrament; kumukuha tayo ng isang piraso ng tinapay; umiinom tayo ng tubig at ibinabalik natin ang kopita sa tray; at iniisip natin si Jesus.
Activity Verse
Bigkasin ang sumusunod na activity verse, at pasabayin sa inyo ang mga bata.
Tahimik na kumain ng tinapay (magkunwaring kumakain ng tinapay)
At uminom ng tubig. (magkunwaring umiinom ng tubig)
Humalukipkip at isipin si Jesucristo—(humalukipkip)
Iyan ang dapat kong gawin. (tumangu-tango)
[M. W. Verbica, “The Sacrament,” Friend, Peb. 1995, 17
Katapusan
Ipakita ang larawan ni Jesus sa pahina 106. Itanong sa mga bata, “Sino ang dapat nating isipin kapag nakikibahagi tayo sa sarament?” Ipasambit sa mga bata ang, “si Jesus.”
Panalangin
Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.
Opsyonal na Mga Aktibidad
Paghahanda
-
Para sa aktibidad sa panauhin: Papuntahin ang isang maytaglay ng Aaronic Priesthood sa klase ng nursery at pagsalitain tungkol sa kung paano siya tumutulong sa pamamahagi ng sacrament.
-
Para sa pagsasadula at sa laro: Kopyahin ang mga kard sa pahina 115. Kulayan ang mga kard, kung gusto ninyo, at gupitin.
-
Para sa aklat: Kopyahin at gupitin ang mga kard sa pahina 115 para sa bawat bata. Magdala ng makapal na sinulid o pisi.
Panauhin
Ipakilala ang panauhin sa mga bata. Ipaliwanag na siya ay may priesthood. Pagsalitain siya nang maikli tungkol sa kung paano siya naghahanda, nagbabasbas, o nagpapasa ng sacrament. Ipabahagi sa kanya ang kanyang damdamin tungkol sa sacrament.
Pagsasadula
Isa-isang itaas ang mga kard na inihanda ninyo. Basahin ang caption at ipasadula sa mga bata ang ipinapakita sa drowing (para sa unang tatlong kard lamang). Halimbawa, paghalukipkipin sila at pagyukuin ng ulo at pagkunwariin na mapitagang kumakain ng tinapay at umiinom ng tubig. Purihin sila sa kanilang mga pagsisikap tuwina. Kapag itinaas ninyo ang drowing na si Jesus, itanong sa mga bata, “Sino ang dapat nating isipin kapag nakikibahagi tayo sa sacrament?”
Laro
Itaob sa sahig o sa isang mesa ang mga kard na inihanda ninyo. Ipataob sa isang bata ang isa sa mga kard. Basahin ang caption sa kard. Ulitin hanggang matapos ang bawat batang gustong sumali.
Aklat
Ibigay sa bawat bata ang apat na kard na inihanda ninyo. Butasan ang gilid ng bawat kard. Suutan ng makapal na sinulid o pisi ang mga butas, at ibuhol ang pisi para makagawa ng maliit na aklat para sa bawat bata. Pagkatapos ay basahin sa mga bata ang aklat.