Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Aralin 4: Mahal Ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo


4

Mahal Ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Pambungad para sa Guro

Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:

Sakdal ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa bawat isa sa atin. Minahal Nila tayo bago tayo pumarito sa lupa; patuloy Nila tayong minamahal ngayon; at hindi magbabago ang dakilang pagmamahal Nila sa atin kailanman. Sa Kanyang pagmiministeryo sa lupa, nagpakita ng dakilang pagmamahal ang Tagapagligtas lalo na sa mga batang musmos (tingnan sa Mateo 18:5, 10; Marcos 10:13–16; 3 Nephi 17:11–24).

Paghahanda

  • Basahin ang 3 Nephi 17:11–12, 21–24 at maghandang ibuod nang maikli ang kuwentong ito para sa mga bata.

  • Magdala ng isang kopya ng Aklat ni Mormon.

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Magsimula sa isang aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.

Panalangin

Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.

Pagtuturo ng Doktrina

Sabihin sa mga bata na mahal ninyo sila, at magsalita nang maikli tungkol sa iba pang mga taong nagmamahal sa kanila, tulad ng kanilang mga magulang, kapatid, lolo’t lola, at iba pa. Pagkatapos ay ipaliwanag na may dalawa pang nagmamahal sa kanila nang higit kaninuman— ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Sabihin sa mga bata, “Alam ng Ama sa Langit at ni Jesus kung sino kayo. Alam Nila ang inyong pangalan, at mahal Nila kayo.” Ituro ang isa sa mga bata, at sabihing, “Mahal ng Ama sa Langit at ni Jesus si [pangalan ng bata].” Ulitin para sa bawat bata.

Activity Verse

Bigkasin ang sumusunod na activity verse at pasabayin sa inyo ang mga bata:

Kilala ako ng Ama sa Langit (ituro ang sarili)

At alam Niya ang gusto kong gawin.

Alam Niya ang pangalan ko at tirahan. (pagdikitin ang dulo ng mga daliri sa kamay para maghugis-bubong ng bahay)

Alam kong mahal din Niya ako. (yakapin ang sarili)

Kuwento sa Banal na Kasulatan

Idispley ang larawan sa pahina 22. Sabihin sa mga bata na nalalaman natin sa mga banal na kasulatan na mahal ni Jesus ang mga batang musmos. Buklatin ang Aklat ni Mormon at ibuod nang maikli ang kuwento nang basbasan ni Jesucristo ang mga batang Nephita (3 Nephi 17:11–12, 21–24). Nasa ibaba ang isang halimbawa:

Tinuturuan ni Jesus ang mga tao (ituro si Jesus sa larawan). Hiniling Niya sa kanila na dalhin sa Kanya ang mga musmos nilang anak (ituro ang mga bata sa larawan). Naupo sila sa lupa sa paligid Niya, at lumuhod si Jesus at nanalangin (paluhurin at pagyukuin ng ulo ang mga bata). Pagkatapos ay isa-isa Niyang binasbasan ang mga bata. Ginawa ito ni Jesus dahil mahal Niya ang mga batang musmos (payakapin sa sarili ang mga bata).

Jesus with Nephite children

Awit

Kantahin o bigkasin ang sumusunod na mga titik sa “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43) at gawin ang mga aksyon sa ibaba. Pasabayin sa inyo ang mga bata.

Aking nadarama (ilagay ang mga kamay sa tapat ng puso)

Ang pag-ibig ni Cristo. (iunat ang mga bisig)

Aking nadarama, (ilagay ang mga kamay sa tapat ng puso)

Pag-ibig n’ya sa akin. (ituro ang sarili)

Katapusan

Magpatotoo sa mga bata na mahal ng Ama sa Langit at ni Jesus ang bawat isa sa kanila. Ipaulit sa mga bata ang mga katagang, “Mahal ako ng Ama sa Langit at ni Jesus,” nang dahan-dahan.

Panalangin

Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.

Opsyonal na Mga Aktibidad

Paghahanda

  • Para sa aktibidad sa salamin: Magdala ng isang salaming sapat ang laki para makita ng mga bata ang kanilang mukha.

  • Para sa aktibidad sa larawan: Magdala ng apat o limang larawan ng mga bagay na ipinagkaloob sa atin ng Ama sa Langit, tulad ng isang pamilya, isang tahanan, mga puno, mga banal na kasulatan, at iba pa. Maaari ninyong gamitin ang mga larawan sa mga magasin ng Simbahan, mga kopya ng mga larawan sa aklat na ito, o mga simpleng larawang kayo mismo ang nagdrowing.

  • Para sa aktibidad sa paglalarawan: Kopyahin at gupitin ang larawang guhit sa pahina 23 para makulayan ng bawat bata (isang bilog para sa bawat bata). Lagyan ng sinulid o pisi ang ibabaw ng bawat bilog para makagawa ng isang kuwintas.

    coloring page, boy’s face and girl’s face

    Mahal Ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Aktibidad sa Salamin

Paupuin nang pabilog ang mga bata. Umikot sa loob ng bilog hawak ang salamin, at patingnan sa bawat bata ang kanyang mukha. Habang nakatingin ang bawat bata sa salamin, ipabigkas sa bata ang kanyang pangalan (kung kaya ng bata). At sabihing, “Mahal ng Ama sa Langit at ni Jesus si [pangalan ng bata].”

Mga Larawan

Ilagay ang mga larawang dala ninyo sa iba’t ibang lugar sa buong silid. Sabihin sa mga bata na binigyan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ng maraming biyaya dahil mahal Nila tayo. Isama sila sa paglakad ninyo papunta sa isa sa mga larawan, at tulungan silang sabihin ang biyayang kinakatawan nito. Ipagawa sa kanila ang aksyong nauugnay sa biyayang iyon (magkunwaring nagbabasa ng mga banal na kasulatan, magkunwaring isang puno, at iba pa). Ulitin para sa iba pang mga larawan.

Activity Verse

Bigkasin ang activity verse sa pahina 9.

Pagkukulay

Pakulayan ang mga kuwintas na inihanda ninyo para sa kanila. Basahin sa kanila ang mga salita sa larawang guhit.