30
Si Jesucristo ang Anak ng Ama sa Langit (Pasko)
Pambungad para sa Guro
Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:
Si Jesucristo ay isinilang sa isang mortal na ina, si Maria, at isang imortal na ama, ang Ama sa Langit. Siya ay literal na Anak ng Diyos. Dahil sa dakilang pagmamahal Niya sa atin, isinugo ng Ama sa Langit si Jesucristo para maging Tagapagligtas at Halimbawa natin. “Gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Paghahanda
Markahan ang pahina 106 sa manwal na ito para madali ninyo itong mabuklat.
Mga Aktibidad sa Pag-Aaral
Magsimula sa isang aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.
Panalangin
Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.
Larawan
Ipakita ang larawan sa pahina 126. Ipahanap sa mga bata ang sanggol sa larawan. Sabihin sa kanila na ang pangalan Niya ay Jesus, at ipasambit sa kanila ang “Jesus.” Pagkunwariin ang mga bata na may kargang sanggol.)
Ituro si Maria sa larawan at sabihin sa mga bata, “Ito ang ina ni Jesus. Ang pangalan niya ay Maria.”
Sabihin sa mga bata na si Jesus ang Anak ng Ama sa Langit. Ipasambit na muli sa mga bata ang “Si Jesus ang Anak ng Ama sa Langit,” nang dahan-dahan. Sabihin sa kanila na isinugo ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak, si Jesucristo, sa lupa dahil mahal Niya tayo.
Awit
Iturong muli ang sanggol na si Jesus sa larawan. Sabihin sa mga bata na kakanta kayo. Ipasambit sa kanila ang, “Isinugo Niya ang Kanyang Anak” kapag itinuro ninyo ang sanggol na si Jesus. Pagpraktisin sila nang ilang beses, pagkatapos ay kantahin o bigkasin ang sumusunod na mga titik sa Isinugo Kanyang Anak (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21):
Paano mailalahad ng Diyos ang pag-ibig?
Sinugo ang kanyang Anak, (ituro ang sanggol na si Jesus sa larawan) banal at payapa.
Ipakita ang larawan ni Jesucristo sa pahina 106. Sabihin sa mga bata na ang sanggol na si Jesus ay lumaki para maging ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Ipasambit sa kanila ang, “Isinugo Niya ang Kanyang Anak” kapag itinuro ninyo ang larawan ng Tagapagligtas. Kantahin o bigkasin ang sumusunod na mga titik sa Isinugo Kanyang Anak:
Paano maihahayag ang tamang landas sa ‘tin?
Anak niya’y ‘pinagkaloob (ituro ang larawan ng Tagapagligtas) bilang gabay natin.
Katapusan
Pasalamatan ninyo ang pagsusugo ng Ama sa Langit kay Jesucristo. Magpatotoo na si Jesucristo ay Anak ng Ama sa Langit.
Panalangin
Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.
Opsyonal na Mga Aktibidad
Paghahanda
-
Para sa mga stick puppet: Kopyahin at gupitin ang mga larawang guhit sa pahina 127 para sa bawat bata. Iteyp o idikit ang isang patpat sa likuran ng bawat larawang guhit para makagawa ng mga stick puppet para sa mga bata.
-
Para sa aktibidad sa banal na kasulatan: Magdala ng isang kopya ng Aklat ni Mormon. Markahan ang 3 Nephi 9:15 para madali ninyo itong mabuklat.
Mga Stick Puppet
Ibigay sa mga bata ang mga stick puppet na ginawa ninyo para sa kanila. Muling ikuwento nang maikli ang pagsilang ni Jesucristo sa sarili ninyong mga salita (tingnan sa Lucas 2:4–16). Ipataas sa mga bata ang kanilang mga stick puppet sa mga angkop na oras ng kuwento. Mas angkop sa nakatatandang mga bata ang aktibidad na ito.
Awit
Kantahin o bigkasin ang sumusunod na mga titik sa “Doon sa May Sabsaban” (Aklat ng mga Awit Pambata, 26–27) at gawin ang mga aksyong iminungkahi sa mga titik. Pasabayin sa inyo ang mga bata.
Doon sa sabsaban, wala s’yang kuna,
Ang Panginoong munti’y nakahiga;
Tanglaw sa Kanya ang bitwing kayningning,
Ang Panginoong munti ay kayhimbing.
Activity Verse
Bigkasin ang sumusunod na activity verse, at pasabayin sa inyo ang mga bata:
Sa sabsaban naroon ang isang sanggol, (maghele na parang may kargang sanggol)
Katabi ang inang mapagmahal,
Nagniningning isang bituin sa kalangitan, (ituro ang langit)
Narito ang Anak ng Diyos! (humalukipkip)
Banal na Kasulatan
Sabihin sa mga bata na sinabi sa atin ni Jesus sa mga banal na kasulatan na Siya ang Anak ng Diyos, na ating Ama sa Langit. Buklatin ang Aklat ni Mormon sa 3 Nephi 9:15 at basahin ang, “Masdan, ako si Jesucristo, ang Anak ng Diyos.” Pasabayin sa inyo ang mga bata sa pagsambit ng “ang Anak ng Diyos.”