Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Aralin 24: Susundin Ko ang Propeta


24

Susundin Ko ang Propeta

Pambungad para sa Guro

Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:

Ang propeta ay isang lalaking tinawag ng Diyos na magsalita para sa Kanya. Ang mga propeta ay tumatanggap ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng paghahayag at pagkatapos ay inuutusang mangaral sa mga tao (tingnan sa Amos 3:7; 1 Nephi 22:2; D at T 1:38; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Propeta,” 216–217). Mapalad tayong magabayan ng mga buhay na propeta. Gaya ng mga sinaunang propeta, ang mga propeta ngayon ay pinatototohanan si Jesucristo at itinuturo ang Kanyang ebanghelyo. Ang kanilang mga turo ay siyang isipan at kalooban ng Panginoon

Paghahanda

Magdala ng larawan ng kasalukuyang Pangulo ng Simbahan, kung mayroon.

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Magsimula sa isang aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.

Panalangin

Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.

Laro

Kalaruin ang mga bata ng “follow the leader.” Pumili ng isang bata na maglalakad, papalakpak, o gagawa ng iba pang aksyon. Sabihin sa mga bata na sundan ang anumang ginagawa ng unang bata. Magpatuloy hanggang matapos ang bawat batang gustong maging lider. Pasunurin ang mga bata sa inyo sa lesson area, at paupuin sila.

Pagtuturo ng Doktrina

Sabihin sa mga bata na mayroon tayong espesyal na lider na susundin, ang ating propeta. Ipaliwanag na ang propeta ay isang lalaking nakikipag-usap sa Diyos—sinasabi ng Diyos sa propeta ang dapat nating gawin. Sabihin sa mga bata na kung susundin natin ang propeta, sasaya tayo at pagpapalain ng Ama sa Langit. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pagsunod sa propeta ay paggawa ng mga bagay na ipinagagawa niya sa atin.

Mga Larawan

Ipakita ang larawan ni Joseph Smith (pahina 102). Sabihin, “Ito si Propetang Joseph Smith. Kinausap ng Ama sa Langit at ni Jesus si Joseph Smith.” Ipahawak ang larawan sa isang bata. Sabihan ang mga bata ng isang bagay na itinuro ni Propetang Joseph Smith na gawin natin, tulad ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Pagkunwariing nagbabasa ng mga banal na kasulatan ang mga bata, at ipasambit sa kanila ang, “Propeta’y Sundin.” Ipahawak ang larawan sa isa pang bata at ulitin ang aktibidad, na inaakto ang isa pang bagay na itinuro ng Propeta tulad ng pagdarasal, pagkain ng masusustansyang pagkain, at iba pa. Pagkatapos ng bawat aksyon, ipasambit sa mga bata ang, “Propeta’y Sundin.” Magpatuloy hanggang mahawakan ng bawat bata ang larawan.

Prophet Joseph Smith

Ipakita ang larawan ng kasalukuyang Pangulo ng Simbahan, kung mayroon. Sabihin sa mga bata ang kanyang pangalan at ang ilang bagay na itinuro niyang gawin natin. Ipaliwanag na kapag ginawa natin ang mga bagay na ito, tayo ay pagpapalain.

Dula-dulaan

Ipaakto sa mga bata ang mga paraan na masusunod natin ang propeta.

Awit

Pasabayin sa inyo ang mga bata sa pagmamartsa sa palibot ng silid habang kinakanta o binibigkas ninyo ang mga titik sa koro ng “Propeta’y Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58):

Propeta’y sundin, propeta’y sundin,

Propeta’y sundin; nang ‘di mawalay.

Propeta’y sundin, propeta’y sundin,

Propeta’y sundin; s’ya ang gabay.

Pasabayin sa inyo ang mga bata sa pagkanta. Ulitin, na pinagsasalitsalit ang mga bata sa pamumuno sa martsa. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng mawalay ay makagawa ng mali.

Katapusan

Sabihin sa mga bata na alam ninyo na kapag sinusunod natin ang propeta, tayo ay pagpapalain. Ipasambit sa mga bata ang, “Susundin ko ang propeta,” nang dahan-dahan.

Panalangin

Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.

Opsyonal na Mga Aktibidad

Paghahanda

  • Para sa aktibidad sa mga hugis at larong hulaan: Kopyahin at gupitin ang mga hugis sa pahina 103. Kulayan kung gusto ninyo. Itupi sa tulduk-tuldok na mga linya para makagawa ng mga hugis na pinatayo.

    coloring page, prophets book

    Susundin ko ang propeta.

    Itinuro sa atin ni Daniel na dapat tayong manalangin.

    Itinuro sa atin ni Juan Bautista na dapat tayong magpabinyag.

    Itinuro sa atin ni Samuel na Lamanita na sundin ang ating Ama sa Langit.

    Itinuro sa atin ni Joseph Smith na basahin ang mga banal na kasulatan.

  • Para sa aktibidad sa pagkukulay: Kopyahin at gupitin ang mga hugis sa pahina 103 para makulayan ng bawat bata.

Mga Larawan

Sabihin sa mga bata na tutulungan ninyo silang makilala ang ilang propetang nabuhay noon. Ilagay ang apat na hugis na pinatayo sa sahig o sa isang mesa. Pagsalit-salitin ang mga bata sa pagpili ng isa sa mga hugis. Sabihin sa mga bata ang pangalan ng propeta at basahin ang caption nito. Ipaulit sa mga bata ang isang mahalagang salita mula sa caption, tulad ng “manalangin,” “magpabinyag,” “sumunod,” at “mga banal na kasulatan.” Ulitin hanggang matapos ang bawat batang gustong sumali.

Larong Hulaan

Patakpan sa mga bata ang kanilang mga mata o patalikurin sila habang inilalagay ninyo ang mga hugis na pinatayo sa isang lugar sa silid. Tiyaking madaling makita ang mga ito. Ipahanap sa mga bata ang mga hugis. Kapag nakakita sila ng isa, ipadala ito sa lesson area. Sabihin sa mga bata ang pangalan ng propeta at basahin sa kanila ang caption. Mas angkop sa nakatatandang mga bata ang aktibidad na ito.

Pagkukulay

Pakulayan sa bawat bata ang isang kopya ng mga hugis sa pahina 103. Kapag tapos na sila, itupi sa tulduktuldok na mga linya para makagawa ng maiuuwing mga hugis na pinatayo. Kung wala kayong oras para gumawa ng mga hugis sa klase ng nursery, hilingin sa mga magulang ng mga bata na gawin ito sa bahay.