Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Aralin 17: Magbabahagi Ako


17

Magbabahagi Ako

Pambungad Para sa Guro

Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:

Ang mga tunay na tagasunod ni Jesucristo ay noon pa kilala sa kahandaan nilang magbahagi sa iba ng anumang mayroon sila (tingnan, halimbawa, sa Mga Gawa 2:44–45; Mosias 18:28; 4 Nephi 1:3). Sa pagbabahagi ng ating mga biyaya sa mga nangangailangan, kinikilala nating galing sa Diyos ang mga biyayang ito, at ipinapakita natin ang ating pagmamahal para sa lahat ng anak Niya.

Paghahanda

Magdala ng isang simpleng bagay na magagamit ninyo para maipamalas ang pagbabahagi (magagamit din ninyo ang isang bagay sa silid ng nursery, tulad ng laruan o aklat).

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Magsimula sa aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.

Panalangin

Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.

Awit

Kantahin o bigkasin ang mga titik sa koro ng “Sinisikap Kong Tularan si Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41) at gawin ang mga aksyon sa ibaba. Pasabayin sa inyo ang mga bata.

Magmahal ka nang tulad ni Jesus. (yakapin ang sarili at ibilingbiling ang katawan)

Ang kabutiha’y ‘pakitang lubos. (tumangu-tango)

Maging mahinahon sa bawat kilos, (yakapin ang sarili at ibilingbiling ang katawan)

Ito ang turo ni Jesus. (tumangu-tango)

Sabihin sa mga bata na gusto ng Ama sa Langit na maging mabait tayo sa isa’t isa. Ipaliwanag na kapag nagbabahagi tayo, nagpapakita tayo ng kabaitan.

Pagpapamalas

Sabihin sa mga bata na magpapraktis kayong magbahaginan. Ipakita sa kanila kung paano magbahagi sa pagsasabi ng, “magbabahagi ako” habang ibinibigay ninyo sa isa pang nursery leader ang bagay na dinala ninyo. Bigyang-diin ang sayang dulot ng pagbabahagi. Ipasambit sa mga bata ang, “magbabahagi ako.”

Mga Larawan

Ipakita ang unang larawan sa pahina 74. Ituro ang batang babae sa kaliwa at sabihin sa mga bata na ang batang ito ay may manyikang gustung-gusto niyang paglaruan; kapag dumarating ang kaibigan niya para makipaglaro, sinasabi niya, “pahihiramin kita ng manyika ko.” Ipaliwanag na pareho silang masaya. Ipasambit sa mga bata ang, “magbabahagi ako.”

girls playing

Ipakita ang pangalawang larawan sa pahina 74. Ituro ang batang lalaki sa kanan at sabihin sa mga bata na gustung-gustong laruin ng batang ito ang kanyang mga laruan; kapag dumarating ang kaibigan niya para makipaglaro, sinasabi ng bata, “pahihiramin kita ng mga laruan ko.” Ipaliwanag na pareho na silang masaya ngayon. Ipasambit sa mga bata ang, “magbabahagi ako.”

boys playing

Awit

Kantahin o bigkasin ang sumusunod na mga titik sa “Masayang Gawin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 253) habang kunwari ay nagbabahagi kayo sa mga bata. Pasabayin sa inyo ang mga bata.

Pagbahagi’y kaysaya,

Kaysaya kaysaya.

Pagbahagi’y kaysaya,

Kaysaya-saya!

Katapusan

Sabihin sa mga bata ang sayang nadarama ninyo kapag nagbabahagi kayo. Ipaliwanag na masaya rin ang Ama sa Langit kapag nagbabahagi tayo.

Panalangin

Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.

Opsyonal na Mga Aktibidad

Paghahanda

  • Para sa aktibidad sa larawang guhit: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 75 para sa bawat bata.

    coloring page, sharing cube

    Magbabahagi Ako

    Ngingiti ako.

    Mamimigay ako ng pagkain.

    Magpapahiram ako ng mga aklat.

    Magpapahiram ako ng mga laruan.

    Magpapahiram ako ng mga krayola.

  • Para sa cube game: Kopyahin at gupitin ang larawan sa pahina 75. Kulayan ito kung gusto ninyo. Itupi sa tulduk-tuldok na mga linya, at iteyp o idikit ang mga tab para makagawa ng cube.

Larawang Guhit

Idispley ang larawang guhit sa pahina 75 at bigyan ng isang kopya ng larawang guhit ang bawat bata. Ituro sa larawan ang nakangiting batang lalaki at ipaliwanag na maaari nating ibahagi ang ating ngiti. Ipaturo sa mga bata ang nakangiting batang lalaki sa kanilang kopya. Ulitin para sa iba pang mga larawang guhit.

Cube Game

Pagulungin ang cube na ginawa ninyo. Pagawin ng ilang simpleng aksyon ang mga bata na aakma sa larawang nasa ibabaw ng cube. Pagkatapos ay pasabayin ang mga bata sa inyo sa pagsambit ng, “Ibabahagi ko ang aking [mga ngiti, laruan, pagkain, at iba pa].” Kapag lumitaw ang panig [ng cube] na may mga kataga lamang na “Magbabahagi Ako,” papalakpakin ang mga bata at pasambitin ng, “Magbabahagi ako.” Ulitin hanggang sa matapos magpagulong ng cube ang bawat bata.

cube diagram

Activity Verse

Bigkasin ang sumusunod na aktibidad at pasabayin sa inyo ang mga bata:

Gusto kong si Jesus ay sundin,

Maging mabait at mapagmahal din. (yakapin ang sarili)

Ang iba’y ngingitian; (ituro ang bibig at ngumiti)

Mga laruan ko’y ipahihiram. (magkunwaring nagpapahiram ng laruan)

Ang gusto Niyang gawin ko ay iyan.