Mahal na mga Magulang,
Inaasam naming makasama ang inyong anak sa klase namin sa nursery! Narito ang ilang bagay na magagawa ninyo para maging masaya ang karanasan ng inyong anak:
-
Kuwentuhan ng magagandang bagay ang inyong anak tungkol sa klase ng nursery sa linggong ito bago siya unang dumalo.
-
Ikuwento sa inyong anak kung ano ang mga ginagawa sa klase ng nursery. Ipaalam sa kanya kung ano ang aasahan dito.
-
Papuntahin sa toilet at pakainin ang inyong anak bago siya dalhin sa klase ng nursery. Ang batang kailangang palitan ng lampin ay dadalhin sa magulang.
-
Ipaalam sa mga nursery leader kung may di-pangkaraniwang problema ang inyong anak, tulad ng allergy sa pagkain.
-
Samahan ang inyong anak sa klase ng nursery kung siya ay natatakot.
-
Sabihin sa mga nursery leader kung saan kayo matatagpuan sa oras ng klase ng nursery.
-
Tiyaking muli sa inyong anak na babalikan ninyo siya mamaya.
-
Agad sunduin ang inyong anak pagkatapos ng klase ng nursery. Kung may ibang susundo sa inyong anak maliban sa magulang o kapatid, ipaalam sa mga nursery leader na may pahintulot ninyo ang taong ito.
-
Pagtibayin sa tahanan ang araling itinuro sa nursery.
-
Kung maaari, magbigay ng larawan ng inyong anak at ng pamilya ninyo.
Huwag dalhin ang inyong anak sa klase ng nursery kung siya ay maysakit o may anuman sa sumusunod na mga sintomas:
-
Lagnat
-
Tumutulong sipon
-
Ubo
-
Di-karaniwang pagkayamot
-
Pagsusuka
-
Pagtatae
-
Butlig-butlig
-
Pagmumuta
-
Kuto
-
Isang sakit o impeksyong ginagamot ng antibiotics nitong huling 48 oras
-
Isang sakit na nakakahawa pa:
-
Bulutong (pitong araw)
-
Tigdas (hanggang maglaho ang mga butlig-butlig)
-
Scarlet fever (hanggang maglaho ang mga butlig-butlig)
-
Beke (hanggang maglaho ang pamamaga, karaniwan ay pitong araw)
-
Impetigo (malubhang sakit sa balat na nakakahawa)
-
Kung ang inyong anak ay may allergy na nagsasanhi ng tumutulong sipon, ubo, o butlig-butlig, ipaalam sa mga nursery leader na hindi nakakahawa ang mga sintomas ng inyong anak.
Huwag mag-atubiling kontakin ang mga nursery leader kung may mga problema o tanong kayo:
|
|
|
|