3
Maaari Akong Manalangin sa Ama sa Langit
Pambungad para sa Guro
Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:
Sa panalangin makakausap natin ang ating Ama sa Langit. Sinasabi natin sa Kanya na mahal natin Siya, pinasasalamatan natin Siya sa mga biyaya, at humihingi tayo ng tulong para sa atin at sa mga ibang nangangailangan. Winawakasan natin ang ating mga panalangin sa pangalan ni Jesucristo. Ang panalangin ay isa sa mga pinakadakilang biyaya sa atin habang narito tayo sa lupa. (Tingnan sa Mateo 6:9–13; Alma 34:18–27; 3 Nephi 18:19–21.)
Paghahanda
-
Magdala ng ilang maliliit na bagay o larawang kumakatawan sa mga bagay na pinasasalamatan natin (tulad ng damit, pagkain, mga banal na kasulatan, at kung anu-ano pa) sa isang malaking bag. Isulat sa bag ang “Nagpapasalamat po kami.” Magdala ng isa pang bag na may mga bagay o larawang kumakatawan sa mga bagay na maaari nating hilingin sa panalangin (tulad ng masayang pamilya, malakas na pangangatawan, pagmamahalan, at iba pa). Isulat sa bag na ito ang “Biyayaan Po Ninyo Kami.”
-
Markahan ang pahina 106 sa manwal na ito para madali ninyo itong mabuklat.
Mga Aktibidad sa Pag-Aaral
Magsimula sa isang aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.
Panalangin
Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.
Mga Larawan
Ipakita ang larawan ng batang si Jesus na nagdarasal (pahina 18). Sabihin sa mga bata na ito ay larawan ni Jesus na nagdarasal noong Siya ay bata pa. Ipakita ang larawan ng isang batang nagdarasal (pahina 18). Ipaliwanag na kausap natin ang Ama sa Langit kapag nagdarasal tayo; nagsisimula tayo sa pagsambit ng, “Ama namin sa Langit.” Ipasambit sa mga bata ang, “Ama namin sa Langit.”
Sabihin sa mga bata na pasasalamatan naman natin Siya para sa ating mga biyaya. Papiliin ang isang bata ng isang bagay mula sa bag na may nakasulat na “Nagpapasalamat Po Kami.” Sambitin ang, “Nagpapasalamat po kami para sa [bagay na napili ng bata].” Ipasambit sa mga bata ang, “Nagpapasalamat po kami.” Ulitin ang aktibidad na ito hanggang sa mapili ang lahat ng bagay. Pagkatapos ay sabihin sa mga bata na hihiling naman tayo sa Ama sa Langit ng mga biyaya, at ulitin ang aktibidad sa bag na may nakasulat na “Biyayaan Po Ninyo Kami.” Ipasambit sa mga bata ang, “Biyayaan po ninyo kami.”
Ipakita ang larawan ni Jesus sa pahina 106. Sabihin sa mga bata na winawakasan natin ang ating panalangin sa, “Sa pangalan ni Jesucristo, amen.” Pasabayin sa inyo ang mga bata sa pagsambit nito.
Activity Verse
Bigkasin ang sumusunod na activity verse at pasabayin sa inyo ang mga bata:
Nagsisimula ako sa pagsasabi ng “Mahal na Ama sa Langit”; (itaas ang isang daliri—panatilihing nakataas ang mga daliri sa buong activity verse)
Pinasasalamatan ko siya sa mga biyayang ipinagkakaloob niya; (itaas ang pangalawang daliri)
At mapakumbaba akong humihiling ng mga bagay na kailangan ko, (itaas ang pangatlong daliri)
Sa pangalan ni Jesucristo, Amen. (itaas ang pang-apat na daliri)
[“I Pray in Faith,” Children’s Songbook, 14]
Katapusan
Ipaalala sa mga bata na kausap nila ang Ama sa Langit kapag nagdarasal sila. Magpatotoo na dinidinig ng Ama sa Langit ang ating mga dalangin.
Panalangin
Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.
Opsyonal na Mga Aktibidad
Paghahanda
-
Para sa aktibidad sa flip-book: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 19. Kulayan kung gusto ninyo. Gumawa ng flip book sa paggupit sa tuwid na mga linya at pagtupi sa tulduk-tuldok na mga linya.
-
Para sa kuwento sa banal na kasulatan: Basahin ang Enos 1:1–8 at maghandang ibuod ang kuwentong ito sa mga bata. Magdala ng isang kopya ng Aklat ni Mormon. Markahan ang Enos 1 para madali ninyo itong mabuklat.
-
Para sa aktibidad sa pagkukulay: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 19 para makulayan ng bawat bata. Gupitin sa tuwid na mga linya bago magsimula ang nursery.
Flip Book
Ulitin ang mga tagubilin sa pahina 16 kung ano ang sasambitin natin sa panalangin, gamit sa pagkakataong ito ang flip book na inihanda ninyo. Habang ipinaliliwanag ninyo ang bawat bahagi ng panalangin, angatin ang angkop na flap o ipaangat ang mga flap sa isang bata. Magagamit din ninyo ang flip book habang binibigkas ninyo ang activity verse sa pahina 16. Maaari ninyong itago ang flip book para magamit sa klase ng nursery sa darating na mga linggo.
Kuwento sa Banal na Kasulatan
Buklatin ang Aklat ni Mormon sa Enos 1 at ikuwento sa mga bata ang pagdarasal ni Enos. Nasa ibaba ang isang halimbawa:
Isang araw nagpunta si Enos sa gubat (ipataas sa mga bata ang kanilang mga bisig at pagkunwariin silang mga puno) para mangaso (pagkunwariin silang nagpapana). Habang nasa gubat, nagdasal siya sa Ama sa Langit (paluhurin ang mga bata na parang nagdarasal; tapusin ang kuwento habang sila ay nakaluhod). Sinagot ng Ama sa Langit ang kanyang dalangin, at natuwa si Enos. Batid niyang pagpapalain siya ng Ama sa Langit.
Sabihing, “Maaari akong manalangin sa Ama sa Langit.” Pasabayin sa inyo ang mga bata sa paguulit nito, nang dahan-dahan.
Pagkukulay
Pakulayan sa mga bata ang isang kopya ng larawang guhit sa pahina 19. Pagkatapos nila, itupi sa tulduk-tuldok na mga linya.