Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Aralin 8: Linggo ang araw Para Alalahanin ang Ama sa Langit at si Jesucristo


8

Linggo ang araw Para Alalahanin ang Ama sa Langit at si Jesucristo

Pambungad para sa Guro

Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:

Noon pang panahon ng Lumang Tipan, itinalaga na ng mga tao ng Diyos ang isa sa pitong araw bilang araw ng Sabbath—isang araw ng pamamahinga mula sa mga gawain at pagsamba sa Diyos (tingnan sa Genesis 2:2–3; Exodo 20:8–11). Inulit ng Panginoon ang kautusang ito sa ating panahon, at nangako Siya na kapag pinanatili nating banal ang araw ng Sabbath, mananatili tayong “walang bahid-dungis mula sa sanlibutan” (tingnan sa D at T 59:9–10).

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Magsimula sa isang aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.

Panalangin

Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.

Larawan

Ipakita ang larawan ng pamilyang naglalakad papunta sa simbahan sa pahina 38 at sabihin sa mga bata na ang pamilyang ito ay papunta sa simbahan sa araw ng Linggo. Ipaliwanag na ang Linggo ay espesyal na araw at nagsisimba tayo tuwing Linggo upang sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo at mag-aral tungkol sa Kanila.

family walking to church

Mga awit

Sabihin sa mga bata, “Kunwari ay magsisimba tayo.” Palakarin sila nang pabilog at ipakanta o ipabigkas sa kanila ang sumusunod na mga titik sa “Masayang Gawin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 129):

Ang magsimba ay kaysaya,

Kaysaya, O kaysaya!

Ang magsimba ay kaysaya,

O kaysaya, saya!

Paupuin ang mga bata, at sabihin sa kanila na kapag nagsisimba tayo naaalala natin (ituro ang inyong ulo) at naiisip (muling ituro ang inyong ulo) ang Ama sa Langit at si Jesus. Kantahin o bigkasin ang unang taludtod ng “Tahimik, Taimtim” (Aklat ng mga Awit Pambata, 11):

Tahimik, taimtim, kayo ay iisipin.

Ipakita ang larawan ng pamilyang nasa tahanan sa pahina 38. Ituro ang iba’t ibang miyembro ng pamilya at ipaliwanag na pagkatapos magsimba, sa ating tahanan, maaaring alalahanin ng ating pamilya ang Ama sa Langit at si Jesus. Maaari tayong sama-samang magbasa ng mga banal na kasulatan (sabihan ang mga bata na magkunwaring binabasa nila ang mga banal na kasulatan) at sama-samang manalangin (ipahalukipkip sa mga bata ang kanilang mga kamay) at magmahalan (ipalagay sa mga bata ang kanilang mga kamay sa tapat ng kanilang puso). Kantahin o bigkasin ang mga titik sa “Isang Masayang Pamilya” (Aklat ng mga Awit Pambata, 104). Pasabayin sa inyo ang mga bata.

Mahal ko ang nanay ko,

Mahal ko ang tatay ko.

Ako’y mahal din nila;

Mag-anak nami’y kaysaya.

family at home

Katapusan

Paalalahanan ang mga bata na ang Linggo ay araw upang alalahanin ng ating pamilya ang Ama sa Langit at si Jesus sa simbahan at sa tahanan. Ipasambit sa mga bata ang, “Linggo.”

Panalangin

Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.

Opsyonal na Mga Aktibidad

Paghahanda

  • Para sa bag game: Gumawa ng kopya ng pahina 39. Gupitin ang mga larawang guhit at kulayan ang mga ito, kung gusto ninyo. Ilagay ang mga larawang guhit sa isang bag o sa ibang sisidlan.

    coloring page, Sunday book

    Maaari akong magsimba sa araw ng Linggo.

    Maaari akong magpakita ng espesyal na pagmamahal sa aking pamilya sa araw ng Linggo.

    Mababasa ko ang mga banal na kasulatan sa araw ng Linggo.

    Ang linggo ay araw para alalahanin ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

  • Para sa aktibidad sa banal na kasulatan: Magdala ng isang kopya ng Biblia. Markahan ang Genesis 2:2 para madali ninyo itong mabuklat. Markahan din ang pahina 34 sa manwal na ito.

  • Para sa aktibidad sa aklat: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 39 para makulayan ng bawat bata.

Bag Game

Papiliin ng isang larawan ang isang bata mula sa bag. Basahin ang caption at ipagawa sa mga bata ang aksyong iminumungkahi sa larawan (tulad ng paglakad sa kinatatayuan para sa “Sa Linggo makakasimba ako” o pagturo sa kanilang ulo para sa “Ang Linggo ay araw ng pag-alaala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo”). Ipabigkas sa mga bata ang mga pangunahing salita mula sa bawat caption, tulad ng “Jesus,” “mga banal na kasulatan,” “pamilya,” at “simbahan.” Ulitin ito sa bawat larawan o hanggang makatapos ang bawat batang gustong sumali.

Banal na Kasulatan

Ipakita ang larawan sa pahina 34 at repasuhin sa mga bata ang kuwento ng Paglikha (tingnan sa Genesis 1 at aralin 7 sa manwal na ito). Ipaliwanag na nilikha ni Jesus ang daigdig sa loob ng anim na araw.

plants and animals

Sabihin sa mga bata na babasahin ninyo ang isang banal na kasulatan na nagsasabi sa atin kung ano ang ginawa ni Jesus sa ikapitong araw. Buklatin ang Biblia sa Genesis 2:2 at basahin, “[Siya ay] nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa.” Bigyang-diin ang salitang nagpahinga habang binabasa ninyo ito.

Itanong: “Ano ang ginawa ni Jesus sa ikapitong araw?”

Sagot: “Siya ay nagpahinga.”

Sabihin sa mga bata na sa anim na araw ng linggo tayo ay nagtatrabaho. Ipaakto sa kanila ang iba’t ibang uri ng trabaho, tulad ng pagwalis ng sahig, pagbungkal sa halamanan, at iba pa. Ipaliwanag na nagpapahinga tayo sa araw ng Linggo. Paupuin ang mga bata, at sabihin sa kanila kung gaano kalaki ang pasasalamat ninyo sa Ama sa Langit na binigyan tayo ng isang araw upang makapagpahinga mula sa ating mga gawain.

Aklat

Pakulayan sa mga bata ang isang kopya ng pahina 39. Habang nagkukulay sila, sabihin sa kanila ang tungkol sa mga larawang guhit at ipaalala na ito ang mga bagay na ginagawa natin upang alalahanin at sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa araw ng Linggo. Kapag tapos na silang magkulay, itupi sa tulduk-tulok na mga linya upang makagawa ng aklat. Pagkatapos ay basahin ang aklat sa mga bata.

book diagram