20
Magpipitagan Ako
Pambungad para sa Guro
Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:
Ang kapitagan ay matinding paggalang at pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Higit pa ito sa pagiging tahimik at pag-upo nang walang imik sa oras ng aralin, bagaman kadalasan ay naipapakita ang ating kapitagan sa ating kilos sa simbahan at sa iba pang sagradong lugar. Habang sinisikap nating maging mas mapitagan, higit nating madarama ang impluwensya ng Espiritu Santo sa ating buhay. (Tingnan sa D at T 63:64; 84:54; 109:21.)
Mga Aktibidad sa Pag-Aaral
Magsimula sa aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.
Panalangin
Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.
Larawan
Ipakita ang mga larawan sa pahina 86. Sabihin sa mga bata na ang pamilyang ito ay nasa simbahan at mapitagan sila. Ipasambit sa mga bata ang “mapitagan.” Ipaliwanag na ang pagpipitagan ay tahimik na pag-iisip sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ituro ang mga bagay na ginagawa ng pamilyang nasa larawan para maipakitang sila ay mapitagan. Magtuon ng pansin lalo na sa mga bata sa larawan.
Praktis
Ipaunawa sa mga bata na kapag nagsisimba tayo maipapakita natin na mahal natin ang Ama sa Langit at si Jesus sa pagiging mapitagan. Ilarawan ang ilang paraan na maipapakita natin ang kapitagan sa simbahan, at praktisin ito sa mga bata. Halimbawa:
-
Nagsasalita tayo nang mahina. (praktising magsalita nang mahina)
-
Naglalakad tayo nang tahimik. (praktising maglakad nang tahimik)
-
Umuupo tayo nang tahimik. (praktising maupo nang tahimik)
-
Nakikinig tayo sa ating mga guro. (isalikop ang kamay sa tainga)
-
Iniisip natin si Jesus. (ituro ang ulo)
Awit
Ipaliwanag na ang isa pang paraan para maipakita natin ang kapitagan ay sa pagkanta ng mapipitagang awitin. Kantahin o bigkasin ang mga titik sa “Sisikapin Kong Maging Magalang” (Aklat ng mga Awit Pambata, 13) at gawin ang mga aksyon sa ibaba. Pasabayin sa inyo ang mga bata.
Ang Diyos Ama’y mahal ko, (ilagay ang mga kamay sa dibdib)
Aking sisikaping (ituro ang sarili)
Tahanan n’ya’y igalang. (pagdikitin ang dulo ng mga daliri para magmukhang bubong ng bahay)
Nang s’ya’y mapasa ’kin. (yakapin ang sarili)
Katapusan
Purihin ang mga bata sa pagiging mapitagan. Ipaliwanag na ang mga bagay na ito ay makakatulong sa atin at sa mga nasa paligid natin na maisip ang Ama sa Langit at si Jesus. Ipasambit sa mga bata ang, “Magpipitagan ako.” Hikayatin silang maging mapitagan ngayon.
Panalangin
Sabihin sa mga bata na oras na para sa pangwakas na panalangin. Itanong, “Paano kayo magiging mapitagan habang nagdarasal?” Tulungan silang magpraktis na humalukipkip, magyuko ng ulo, at pumikit habang nagdarasal kayo. Ipaalala sa mga bata na nakakatulong ito para maipakita natin sa Ama sa Langit at kay Jesus na mahal natin Sila. Purihin sila sa pagpapakita ng kapitagan.
Opsyonal na Mga Aktibidad
Paghahanda
-
Para sa aktibidad sa flip-book: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 87; kulayan kung gusto ninyo. Gupitin sa tuwid na linya para makagawa ng dalawang flap. Itupi nang pabaligtad ang mga flap para matakpan ang drowing.
-
Para sa aktibidad sa pagkukulay: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 87 para makulayan ng bawat bata. Gupitin sa tuwid na linya para maigawa ng mga flip book ang mga bata.
Flip Book
Itaas ang larawang guhit na inihanda ninyo, na natatakpan ng mga flap ang drowing. Sabihin sa mga bata na magpapakita kayo ng ilang larawan sa kanila na nagpapakita sa atin kung paano maging mapitagan sa oras ng panalangin. Buksan ang flap na nasa ibabaw at basahin ang mga nakasulat sa likod nito. Gawin din ito sa flap na nasa ilalim. Ulitin ang aktibidad; sa pagkakataong ito ay pagpraktisin ang mga bata sa pagyuko ng ulo, pagpikit, at paghalukipkip.
Activity Verse
Bigkasin ang sumusunod na activity verse at pasabayin sa inyo ang mga bata:
Ibukas, isara; (ibukas-sara ang mga kamay)
Ibukas, isara; (ibukas-sara ang mga kamay)
Pumalakpak; (pumalakpak)
Ibukas, isara; (ibukas-sara ang mga kamay)
Ibukas, isara; (ibukas-sara ang mga kamay)
Ilapag sa kandungan. (paghawakin ang mga kamay sa kandungan)
Pagkukulay
Pakulayan sa mga bata ang isang kopya ng mga flip book na inihanda ninyo para sa kanila.