Karagdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata
Aralin 21: Nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo


21

Nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo

Pambungad Para sa Guro

Para espirituwal na maihanda ang inyong sarili sa pagtuturo ng araling ito, basahin at pag-isipan ang sumusunod:

Si Joseph Smith ang unang propeta ng ating panahon. Nakita niya at nakausap ang Diyos Ama at si Jesucristo. Sa pamamagitan ni Propetang Joseph, ipinanumbalik ng Panginoon ang totoong Simbahan at ang kabuuan ng ebanghelyo. (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:9–19.)

Paghahanda

Mga Aktibidad sa Pag-Aaral

Magsimula sa isang aktibidad sa pagtitipon. Para sa mga ideya, tingnan sa pahina 3.

Panalangin

Pag-alayin ng pambungad na panalangin ang isang bata.

Kuwento sa Banal na Kasulatan

Ipakita ang larawan sa pahina 90 habang ikinukuwento ninyo nang maikli ang Unang Pangitain (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:9–19). Nasa ibaba ang isang halimbawa:

Ito ang larawan ni Joseph Smith (ituro si Joseph; ipasambit sa mga bata ang “Joseph Smith”). Gusto niyang malaman kung aling simbahan ang totoo. Nabasa niya sa Biblia (buklatin ang Biblia) na makapagdarasal tayo para malaman ang katotohanan (pagkunwariin ang mga bata na nagbabasa). Nagpunta si Joseph Smith sa kakahuyan (ituro ang mga puno) para manalangin sa Ama sa Langit. Habang siya ay nagdarasal, nakita niya ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Joseph in Sacred Grove

Buklatin ang Mahalagang Perlas sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:17 at sabihin sa mga bata na babasahin ninyo ang sinabi ng Ama sa Langit kay Joseph Smith. Ipaliwanag na itinuro Niya si Jesucristo at sinabing: “Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!” Ipaliwanag na sinabi ni Jesus kay Joseph na ibabalik Niya ang totoong Simbahan ni Jesucristo.

Pagsasagawa

Muling isalaysay ang kuwento. Sa pagkakataong ito, patayuin ang mga bata na nakaunat ang mga bisig para magkunwaring mga puno sa Sagradong Kakahuyan. Hilingin sa mga bata na umuguy-ugoy na parang hinihipan ng hangin habang ikinukuwento ninyo ang tungkol sa pagdarasal ni Joseph. Pagkatapos ay hilingan silang pumanatag at tumahimik kapag ikinuwento na ninyo sa kanila ang pagpapakita ng Ama sa Langit at ni Jesus kay Joseph.

Awit

Kantahin o bigkasin ang sumusunod na mga titik sa “Nang Minsan ay Tagsibol” (Aklat ng mga Awit Pambata, 57) at gawin ang mga aksyon sa ibaba. Pasabayin sa inyo ang mga bata.

Nang minsan ay tagsibol—sa kakahuyan, (itaas ang mga bisig na parang mga puno)

Ang Diyos Ama’t Anak kay Joseph ay nagpakita. (lumuhod at humalukipkip)

Katapusan

Magbahagi ng maikling patotoo na nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Panalangin

Pag-alayin ng pangwakas na panalangin ang isang bata.

Opsyonal na Mga Aktibidad

Paghahanda

  • Para sa aktibidad sa finger-puppet: Kopyahin at gupitin ang mga finger puppet sa pahina 91 o gamitin ang mga puppet na ginawa ninyo para sa opsyonal na aktibidad sa aralin 9. Kulayan ang mga puppet kung gusto ninyo.

    coloring page, First Vision

    Nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

    Kopyahin ang pahinang ito at gupitin ang mga finger puppet sa tuwid na mga linya. Itupi sa tulduk-tuldok na mga linya. Pagkatapos ay iteyp ang mga gilid, at huwag pagdikitin ang mga gilid sa ilalim para maipasok ng mga bata ang kanilang mga daliri sa mga puppet.

  • Para sa aktibidad sa pagkukulay: Kopyahin ang larawang guhit sa pahina 91 para makulayan ng bawat bata.

Activity Verse

Bigkasin ang sumusunod na activity verse, at pasabayin sa inyo ang mga bata:

Lumuhod si Joseph sa kakahuyan, (itaas ang mga bisig na parang mga puno)

At umusal ng espesyal na dalangin. (humalukipkip)

Nakita niya ang Ama at ang Anak (tumingala, tabingan ng kamay ang mga mata)

At doon ay nakinig sa Kanila. (isalikop ang kamay sa tainga)

Aktibidad sa Finger-Puppet

Muling ikuwento nang maikli ang Unang Pangitain, na sa pagkakataong ito ay gamit ang mga finger puppet na inihanda ninyo. Pahawakan sa mga bata ang mga puppet kung gusto nila.

finger puppet diagram

Pagkukulay

Pakulayan sa bawat bata ang isang kopya ng larawang guhit sa pahina 91. Habang nagkukulay sila, repasuhin ang kuwento ng Unang Pangitain. Ituro ang mga detalye sa larawan at ipaliwanag sa mga bata ang kanilang kinukulayan. Basahin sa kanila ang mga salita sa larawang guhit.