Maikling Aralin: Welcome sa Nursery
Mga Aktibidad sa Pag-Aaral
Welcome
Kapag dumalo sa klase ng nursery ang isang bata sa unang pagkakataon, pumili ng oras na nagkakatipon ang mga bata (tulad sa oras ng aralin, meryenda, pagkanta), at sabihin sa mga bata ang pangalan ng batang baguhan. Sabihin sa batang baguhan na natutuwa kayo na narito siya sa klase ng nursery.
Awit
Sabihin sa mga bata na kakanta kayo ng isang espesyal na awit. Kantahin o bigkasin ang mga titik sa “Awiting Kumusta Ka” (Aklat ng mga Awit Pambata, 130) at ipasambit sa mga bata ang “kumusta ka” kapag itinuro ninyo sila habang kumakanta. Maaari ninyong praktisin ito nang ilang beses bago ninyo kantahin.
Kumusta ka! (ituro ang mga bata: “Kumusta ka!”) Kumusta ka! (ituro ang mga bata: “Kumusta ka!”)
Ang aming pagbati sa ‘yo. (ituro ang mga bata: “Kumusta ka!”)
Kumusta ka! (ituro ang mga bata: “Kumusta ka!”) Kumusta ka! (ituro ang mga bata: “Kumusta ka!”)
Mabuti’t nandito
Nang makapiling sa Primary
At nang maging kaibigan at kasama.
Kumusta ka! (ituro ang mga bata: “Kumusta ka!”) Kumusta ka! (ituro ang mga bata: “Kumusta ka!”)
Halina’t magsaya.
Katapusan
Sabihin sa batang baguhan, “[Pangalan ng bata], napakasaya namin dahil narito ka sa klase namin sa nursery!”